P-Noy pinanood ang 4-D version ng Feng Shui

feng shui

Pagkatapos suportahan ang pelikula ng kanyang pamangking si Bimby na kasali sa MMFF 2014, ang “The Amazing Praybeyt Benjamin”, nanood din ng “Feng Shui 2” si Pangulong Noynoy Aquino na pinagbibidahan naman ng kanyang kapatid na si Kris Aquino.

Siyempre, hindi papayag si Kris na pelikula lang ni Bimby ang panoorin ng kanyang Kuya Noy sa unang araw ng filmfest.
Mismong sa official Facebook page ni Pangulong Noynoy naka-post ang ilang larawan na kuha sa loob ng SM MOA kung saan ginanap ang 4D screening ng “Feng Shui” kasama rin si Coco Martin sa direksiyon ni Chito Roño.

Kasamang nanood ni P-Noy noong Pasko sina Kris, Bimby at Joshua. Nandoon din sina Coco at ang bida ng “Praybeyt Benjamin” na si Vice Ganda.

Read more...