Jennylyn na-shock nang manood si Sarah ng ‘ENGLISH ONLY PLEASE’

jennylyn mercado
OVERWHELMED si Jennylyn Mercado dahil pinanood ng paborito niyang si Sarah Geronimo ang “English Only Please” kasama ang buong pamilya nito noong Pasko sa Trinoma.

Nalaman ito ng aktres sa pamamagitan ng Twitter dahil ang fans pala nila ni Derek Ramsay ay walang ginawa kundi i-post lahat ng updates ng pelikula nila.

Trending sa Twitter at Instagram na nakita nila si Sarah kasama ang pamilya nito kaya tuwang-tuwa si Jennylyn.
Sabi nga niya sa tweet niya, “Kilig! Buo na ang Pasko ko!” at “Kinilig ako!!! Fan mode on!!!”

Isa pang nagpasaya kay Jen ay ang magagandang rebyu sa “English Only Please” at panalangin niya na marami pa ang makapanood nito.

Bukod sa block screening sa Trinoma noong Dec. 25 ay nagkaroon din ng sariling block screening si Derek sa Glorietta para naman sa mga taga-GAOC Dental Clinic.

As of now ay nananatiling nasa pang-anim na puwesto ang “English Only Please” at matibay naman sa unang puwesto ang “The Amazing Praybeyt Benjamin”, ikalawa ang “Feng Shui 2”, pangatlo ang “My Big Big Bossing”, ikaapat ang Kubot:The Aswang Chronicles” at panglima ang “Shake, Rattle & Roll XV”.

Read more...