Magkaka-anak na ba sa 2015?

Sulat mula kay Rose Anne San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na January 10, magti-three years na po kaming nagsasama ng mister ko ang malungkot po until now wala pa rin kaming bahay. Maraming espesyalista na ang aming napagkunsultahan pero wala pa rin. Naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magka-baby. Kaya sana Sir Greenfield sa pamamagitan nyo mabigyan ko na ng baby ang mister ko para makumpleto na ang aming pamilya at para lalong lumigaya ang aming pagsasama? At kung magkaka-baby kami, puwede po bang malaman kung kailan, sa taon po bang papasok na 2015 at kung babae po ba o lalaki ang magiging first baby naming? July 4, 1988 po ang birthday ko at November 13, 1987 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Rose Anne ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May kaisa-isang malinaw na Guhit ng Anal na nakikita sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1.). Ito ay tanda na hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa, sapagkat sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda, mabubuntis ka at isisilang hanggang sa isinilang ang isang malusog na lalaking sanggol.
Cartomancy:
King of Clubs, Ace of Hearts, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2015, tulad ng nasabi na, mabubuntis ka at pagkatapos ng siyam na buwan, isisilang ang isang malusog at matalinong lalaking sanggol.
Itutuloy…..

Read more...