Kalat na: Daniel pinagbawalan daw mag-promote ng ‘BONIFACIO’

 


Kung nag-“theater tour” sina Vice Ganda, Bimby, Kris Aquino at Coco Martin, umikot din pala sa ilang sinehan ang magkapatid na Robin at Rommel Padilla para sa movie nila na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”

After lunch noong Christmas day ay una silang nagpunta sa sinehan sa may Greenhills. And then, pumunta naman sila sa TriNoma cinema.

Noong parade naman isa sa mga dinumog ang float among the MMFF entries ay ‘yung sa “Bonifacio”. Bukod kasi kay Robin, kasama rin niya sa float ng “Bonifacio” ang pamangkin niya at tinagurian ngayon bilang Teen King na si Daniel Padilla.

Mabuti naman at sumama si Daniel sa kanyang Tito Robin during the parade. Hindi kasi namin nakikita si Daniel na nagpo-promote ng “Bonifacio.” Kahit nga sa presscon nito ay absent si Daniel.

Nagdududa tuloy kami na baka true ang tsika na tsika na ‘di raw pinayagan si Daniel ng mga taong namamahala sa kanyang career na mag-promote ng “Bonifacio.”

Anyway, binigyan ng Graded A ang “Bonifacio” ng Cinema Evaluation Board. Unanimous  ang ibinigay na grade ng lahat ng CEB members na nag-review ng “Bonifacio.”

Puring-puri raw nila ang performance ni Robin bilang si Andres Bonifacio at ang deglamourized na si  Vina Morales bilang si Oryang.

Read more...