Sulat mula kay Trixie ng Cabittaogan, Sta.
Catalina, Ilocos Sur
Problema:
1. Nalulungkot po ako kasi kung kailan magpapasko ay saka pa kami nag-break ng matagal ko nang boyfriend na si Patrick. April 22, 1989 ang birthday niya at September 16, 1990 naman ako. Sa palagay nyo, may pag-asa pa kaya kaming magkabati kahit na mag iisang buwan na kaming hindi nagbabatian?
2. At kung sakaling hindi na kami magkakabalikan, may iba pa bang lalaking darating sa aking buhay?
Umaasa,
Trixie ng Ilocos Sur
Solusyon/Anaylisis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang boyfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo ng boyfriend mo dahil ang Taurus at Virgo ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, kung nag-break man kayo ngayon, sa madaliang hinaharap – magkakabalikan din kayo.
Numerology:
Hindi lang sa astrology kayo tugma at compatible kundi sa numerology din. Ang birth date mong 16 ay sadyang suwetong-suweto sa birth date na 22 ng boyfriend mo.
Graphology:
Upang hindi na kayo muling mag-break kung sakali mang magkakabalikan kayo sa susunod na buwan ng Enero, huwag mong burarain ang unahang bahagi ng iyong lagda. Simpleng “T” lang ang dapat na hindi mo na dapat ipatong ang letrang “D”. Sa paghihiwalay ng letrang “T at D” sa iyong lagda ay magsisimula ka nang lumigaya habambuhay sa larangan ng pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Trixie, ayon sa iyong kapalaran, huwag kang mag-alala kung malungkot man ang iyong Pasko dahil siguradong namang magiging maligaya ang New Year sa muli niyong pagbabati ng boyfriend mo. At ang nasabing maligayang suyuan ay tuloy-tuloy nang tatamasahin hanggang Valentine. Tuluy-tuloy na rin ito hanggang sa magpasya kayong magpakasal at magtayo ng isang masaya at panghabambuhay ng pamilya.
Hindi masaya ang Pasko (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...