Derek nandiri sa sarili; lumebel kay Lloydie sa pagpapakilig

DEREK RAMSAY

DEREK RAMSAY

Hindi nagpatalo ang “English Only Please” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado mula sa Quantum Films dahil nagpa-block screening sa Trinoma. Base sa mga nakapanood sa advance screening ng “English Only Please” ay bumilib silang lahat kay Derek dahil bagay pala niyang mag-romcom (romantic-comedy).

Nasanay na kasi ang lahat na serious, sexy actor si Derek at hindi pa ito nagpapa-cute o nagpapatawa sa mga pelikulang nagawa na niya kaya naman manghang-mangha ang ilang katotong nakapanood ng MMFF entry nila ni Jen.

“Bagay pala kay Derek ang rom-com films, sana masundan pa ulit kasi cute siya, puwede siyang lumebel kina John Lloyd (Cruz) at Xian Lim na tinitilian sa romcom,” kuwento sa amin ng isang katoto.

‘Yun nga lang, mukhang sumobra naman daw yata ang pagka-safe ng pelikula dahil wala man lang daw kissing scene sina Derek at Jennylyn na magdyowa pa naman ang papel sa pelikula.

E, baka ayaw talaga ng dalawang bida ng kissing scene dahil hindi sila kumportable sa isa’t isa, tulad nga ng sabi ni Derek sa nakaraang presscon niya ay nandiri siya sa sarili niya kasi hindi siya sanay magpa-cute o magpaka-chessy sa pelikula.

Read more...