John Lloyd, Alden Richards magkamukha, napagkamalang mag-utol

JOHN LLOYD CRUZ AT ALDEN RICHARDS

JOHN LLOYD CRUZ AT ALDEN RICHARDS

Tuwang-tuwa ang fans and supporters ni Alden Richards nang i-post nito kamakailan ang selfie photo niya with John Lloyd Cruz, ang noon pa ma’y ipinagmamalaki niyang super idol sa showbiz.

Kuha raw yun sa isang event, hindi raw napigilan ni Alden ang kanyang pagiging super fan ng magaling na aktor na game na game ring nakipag-pose sa Kapuso leading man.

Magkahawig ang hulma ng kanilang mukha, puwede nga silang mapagkamalang magkapatid na sinang-ayunan naman ng fans at netizens. Sana nga raw ay magkaroon ng pagkakataon na magkasama sila sa isang project.

Well, dahil Pasko naman, bakit ba hindi natin i-wish na sana nga’y mayroong makaisip na pagsamahin sila sa isang pelikula kahit pa nga suntok sa buwan ang sitwasyon bilang pareho silang exclusive artists ng kani-kanilang mother networks.

Basta kami, natutuwa din lalo pa’t totoong mga guwapo, mababait at mahusay makisama ang dalawang aktor.

Read more...