Sharon ipakikita sa madlang pipol ang kaseksihan pagsapit ng 49th bday

SHARON CUNETA

SHARON CUNETA

Ayon kay KC Concepcion, ngayon daw ay sinimulan na ni Mega na pangalagaan ang kanyang sarili.

“‘Yung kapayatan kasi it goes for us. Nu’ng namatay ang lola ko nag-gain ako ng wait. Sabi ko, it’s ano talaga, reflection of what’s happening sa heart mo, e. So sabi ko, huwag lang ‘yung payat na mabilis. ‘Yung gawin mo talagang, because mahal mo ‘yung sarili mo.  Kasi hindi ko ma-afford, hindi ko kaya na maysakit din siya, and then, kawawala pa lang ni Mita. Sabi ko, alagaan natin ang sarili natin kasi tayo na lang ‘yung natira.”
Na-mention daw ni Mega sa kanya noong birthday ng  younger sister niya na si Frankie Pangilinan last December 16 na gustong i-celebrate ng mama niya ang kanyang birthday on January 6.

“Sabi niya, ‘Nak, kailangan ko palang isipin ‘yung birthday ko.’ So, sabi ko, ‘Ano’ng plano Ma?’ Sabi niya, ‘Wala pa akong naiisip. Christmas nga wala pa akong naiisip, e.’ Syempre sa mga moment na ‘to parang like ako, hindi ako agad bumabalik sa ASAP. Parang twice pa lang. Sabi ko, ‘Sasayaw-sayaw ako, nagmo-mourn pa kami.’ Sabi ko, parang hindi naman ata maganda ‘yung feeling na magsasayaw-sayaw akong ganoon na parang naiiyak pa ako, ganoon.”

Feeling ni KC kaya nagpapayat ngayon ang Mama niya dahil may magaganap na malaking event sa birthday ni Mega. Wish ni KC kay Mega, ‘di lang basta maging sexy but happy and healthy.

Read more...