Negosyong magpapayaman (2) | Bandera

Negosyong magpapayaman (2)

Joseph Greenfield - December 23, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Mercy  ng Sta. Cruz, Aleosan,  North Cotabato
Problema:
1. Kagagaling lang po sa abroad ng mister ko na isinilang noong March 27, 1985 at October 15, 1986 naman ang birthday ko. Dahil may kaunting ipon na po kami, sa ngayon ay nag-iisip kami ng negosyo na tugma sa aming kapalaran kung sakaling hindi na mag-aabroad  ang mister ko ay maging maayos at maging  stable pa rin ang aming kabuhayan.
2.       Kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo, nais ko pong malaman kung ano po ba ang masuwerteng negosyo sa aming mag-asawa – ang pagtitinda po ban g mineral water o ang pagbubukas ng bakery? Yan pong dalawang negosyo nayan ang aming pinagpipiliin.
3.      At nais ko na rin pong malaman kung may pag-asa ba kaming yumaman at kung mayroon kailan kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Mercy ng North  Cotabato
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) na may ruling planet na Venus ay nagsasabing mapalad ka nga sa mga produktong tinitimpla at nilalasahan, tulad ng bakery at kainin at iba pang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Habang ang Aries na zodiac sign ng iyong asawa ay nagsasabing sa negosyong bakery at iba pang negosyong ginagamitan ng apoy, uunlad at magtatagumpay ang inyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ay nagsasabing basta’t sarapan mo ang timpla ng gagawin mong mga tinapay at maging “innovative” ka lang at  “creative” sa paglalagay ng mga sangkap, at dekorasyon sa iyong produkto, tuloy-tuloy na magki-click ang iyong bakery at dahil sa nasabing negosyo, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran  – uunlad at yayaman kayo!
Luscher Color Test:
Bukod sa pagiging malinis na kapaligiran sa iyong bakery, dapat mo ring pinturahan ng kulay pink o kaya’y pula ang iyong business place. Kapag ganyan ang kulay ng iyong bakery, tuloy-tuloy niyong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran.
 Huling payo at paalala:
Mercy tama ang binabalak ninyong  magtayo ng negosyong may kaugnayan sa pagkain tulad ng bakery. Dahil tugma sa inyong mag-asawa ang nasabing negosyo, paglipas ng mga lima o pitong taon pa, kung sisimulan na ngayon palang ang pagtatayo ng bakery,  mabilis na lalago at aasenos ang inyon negosyo, hanggang tuloy-tuloy na kayong yumaman, na nakatakdang maganap sa taong 2027 sa edad mong 41 pataas at 42 naman si mister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending