JESSICA SANCHEZ gumawa ng history sa AMERICAN IDOL

NANINDIG ang balahibo namin nang mapanood namin ang YouTube video ng pagkaka-save ng American Idol judges kay Jessica Sanchez.

Nasa bottom 3 si Jessica at siya ang nakakuha ng pinakamababang boto. Pinakanta muna si Jessica pero wala pa siya sa kalagitnaan nito ay umakyat na ang tatlong American Idol judges sa stage.

“Give me that mic! This is crazy! We’re using the save. You ain’t going home! Go sit down,” tili ni Jennifer kay Jessica.

“We are saving Jessica without any doubt. Let me just say this for myself, Steven and Jennifer.

This girl is one of the best singers in America ever. Are you kidding me? Please, everybody please vote for the best,” Randy Jackson pleaded.

“No, not at all. I mean, I don’t expect anything. Whatever happens, happens,” reaction naman ni Jessica matapos ang first time na pagsasabay-sabay na pag-save nina Randy, Jennifer at Steven sa kanya.First time kasi itong nangyari sa history ng American Idol.

Sa ginawa ng tatlong judges, one can easily say na bet na bet nga nilang magwagi ng title si Jessica sa sikat na reality-based music search.

Kaagad naman nag-post ng kanyang thank you video si Jessica after the elimination round, “So I just sang my save song and year, I got saved  and I’m so grateful,” sabi niya.

“I just want to thank you guys for letting me make it this far. Thank you so much. Love you guys,” dagdag pa ng young singer.

Nag-trending si Jessica noong araw na ipinalabas ang muntik na niyang elimination sa AI.

At biglang kinalampag ng mga tao sa showbiz ang mga tagahanga ng singer para bumoto at nang hindi matanggal si Jessica sa nasabing reality-based music search.

Read more...