Ni Bella Cariaso
HINDI na malaking isyu ngayon sa bansa ang kasarian o sexual preference ng isang indibidwal. Tanggap na ito ng lipunan, bagamat meron pa ring ilang grupo o sektor ang hanggang ngayon ay hindi matanggap-tanggap ito.
Dahil nga sa meron pa ring pagkokondena at hindi pagkatanggap sa kanila, maraming kaso ng mga bading at tomboy ang nananatiling nakatago. Hindi lang sa hanay ng mga ordinaryong tao kundi maging sa mundo ng politika, showbiz, law enforcement at maging sa simbahan.
Pero, ano nga ba ang dahilan kung bakit nagiging isang bakla o tomboy ang isang indibidwal? Ginusto ba talaga nila ito o sadyang namamana?
Sa isang panayam ng BANDERA kay Ester Turingan, isang psychologist ng Department of Social Welfare and Development- National Capital Region, sinabi niyang wala pang pag-aaral na nagsasabing genetic ang rason kung bakit nagiging bakla o tomboy ang isang tao.
“Hindi siya proven na genetic. Wala pang findings na nagsasabi na ang homosexuality ay galing sa genes,” pahayag ni Turingan.
Ilang gay groups naman ang naniniwala na hindi personal choice ang pagiging bakla o tomboy kundi genetic ito.
Ganitong-ganito ang katwiran ng mga bakla na sinasabing “they are women in every right and are just trapped to a man’s body”.
Ngunit giit ni Turingan, sensya pa rin ang dapat maging batayan, at sa ngayon ay walang malinaw na scientific findings kung ang pagiging homosexual ay dala ng genes.
Anya, hindi maaaring itulad ang kaso ng pagiging bading o tomboy sa criminal act na merong genetic predisposition.
“Hindi ito tulad ng criminal act, ang homosexuality ay mas more on environment ang cause niya,” paliwanag pa ni Turingan.
Marami rin anyang rason kung bakit pinipili ng isang bakla o tomboy na itago ang kanilang piniling kasarian.
“Yung tinatawag nating closet queen, maraming factors siyempre. Unang-una family. Tapos yung sarili din nila, hindi sila sigurado.
“Andon sila sa stage na “teka hindi pa ko sure kung heto nga ako, o kaya gusto ko pang magbago, may pressure ng religion, may social factor, hindi kayang tanggapin ito ng family, so ayaw muna niyang mag-open up.”
Meron din anyang kaso na napipilitan lang ang isang indibidwal na maging homosexual kagaya ng mga nari-rape ng kapwa nila lalaki sa kulungan.
“Pagdating sa loob ng kulungan, homesexual sila dahil nagiging target sila ng kapwa nila. Kumbaga sila yung nagi-ging kapartner pero paglabas nila, straight na sila ulit. So, ang environment talaga ay mala-king factor,” ayon pa kay Turingan.
Morality
Iginiit ni Turingan na lumalabas pa rin ang isyu ng moralidad kaugnay ng pagkikipagrelasyon sa kapwa babae o lalake.
Anya, bagamat mas tanggap na ng lipunan ang mga bading at tomboy, mahirap pa rin sa mga magulang na maging isang homosexual ang kanilang anak.
“May mga lumalapit din sa akin, ang sabi: “Ang anak ko tomboy,” sabi daw niya sa anak niya, anak mahal kita pero hindi ko matatanggap na maging tomboy ka.” So, ang pressure nasa bata. Ngayon teenager na yung bata at girl na girl na siya, so choice pa rin,” kwento pa ni Turingan. Sa isa namang hiwalay na panayam, inamin ni Isagani Madeja, ng Tondo, Maynila, na siya ay bakla.
Gayunman hindi siya payag na makipagrelasyon sa kapwa lalaki base na rin sa pamantayan ng moralidad na ipinaiiral ng kanyang pamilya.
“Actually hindi ako nakikipagrelation sa same sex. Ganito lang ako pero hindi pwede sa family ko ang ganyan,” sabi ni Madeja na isang self-employed.
(Abangan bukas: Pumatol sa bading, bading na rin? )
ANONG OPINYON MO? May komento, reaksyon ka ba sa artikulong o. Isulat lamang ang pangalan, edad, lugar at mensahe at aming po-post dito at ilalathala sa Bandera.