2-0 semis lead nakubra ng SMB | Bandera

2-0 semis lead nakubra ng SMB

Barry Pascua - December 22, 2014 - 03:00 AM

pba games
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Rain or Shine vs Alaska Milk

MULING nagbida si reigning season Most Valuable Player June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer upang tulungan ang Beermen na talunin ang Talk ‘N Text, 87-81, at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals series sa 2014-15 PBA Philippine Cup kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi nakaporma sa unang tatlong yugto, biglang uminit si Fajardo sa huling yugto para ihatid ang San Miguel Beer sa panalo.

Ang 6-foot-10 center ay nagbuslo ng mahahalang puntos sa mga krusyal na bahagi ng ikaapat na yugto upang pangunahan ang Beermen na padapain ang Tropang Texters.

Si Fajardo ay nagtapos na may 15 puntos at 12 rebounds para sa San Miguel Beer.

Samantala, ang Alaska Milk naman ang siyang gagawa ng mga adjustments sa salpukan nila ng Rain or Shine sa Game Three ng kanilang best-of-seven semis series mamayang alas-7 ng gabi sa MOA Arena.

Nakabawi ang Elasto Painters at tinalo nila ang Aces, 102-95, sa Game Two noong Sabado upang itabla ang serye, 1-all. Nanalo ang Alaska Milk sa Game One, 87-80.

Sa dalawang larong iyon ay nagawa ng Rain or Shine na magposte ng malaking kalamangan at animo’y kabisado nila ang Aces.

Sa Game One ay nahabol ng Alaska Milk ang 17-puntos na bentahe ng Rain or Shine upang magwagi.

Sa Game Two ay nagposte ng 20-puntos na abante ang Rain or Shine nang tatlong beses at ito ay naging sapat upang sila ay magwagi. Naghabol ang Aces at dumikit, 100-95, subalit naubusan na ng oras.

Sa Game Two ay hindi rin nakasama ng Elasto Painters ang kanilang head coach na si Joseller “Yeng” Guiao sa first half dahil sa na-traffic ito. Dumating si Guiao sa halftime at sa puntong iyon ay angat na ang Elasto Painters, 55-36. Kaya hinayaan na ni Guiao ang kanyang assistant coach na si Caloy Garcia na ituloy ang paggiya sa Elasto Painters.

Ang atake ng Rain or Shine ay pinamunuan nina Jervy Cruz at Jonathan Uyloan na gumawa ng tig-11 puntos sa first half. Si Cruz ay nagtapos nang may game-high 19 puntos samantalang may 18 puntos si Uyloan.

Si Gabe Norwood ay gumawa ng 15 puntos, nagdagdag ng 13 si Paul lee at 11 si Raymond Almazan.

Ang ibang inaasahan ni Guiao ay sina Jeff Chan, Beau Belga at Ryan Araña.

Posibleng nag-aalala si Alaska Milk coach Alex Compton ngayon dahil sa nakaraang Governors’ Cup semifinals ay nagwagi rin ang Aces kontra Elasto Painters sa Game One at umabante, 1-0 at 2-1, subalit nanaig pa rin sa dulo ang Rain or Shine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending