Mylene Dizon nag-sorry kay Aiko: Lukaret lang talaga ako!

mylene dizon
AMINADO si Mylene Dizon na may pagkalukaret siya noong medyo bata-bata pa siya at nagsisimula pa lang gumawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz.

Sa presscon ng bagong teleserye ng GMA 7, ang Once Upon A Kiss starring Bianca Umali and Miguel Tanfelix, kung saan gaganap uling kontrabida si Mylene, sinabi ng aktres na ngayong 40 years old na siya mas malinaw na ang priorities niya sa buhay at nagpapasalamat siya na hanggang ngayon ay meron pa rin siyang showbiz career.

May nagpaalala nga sa nagbabalik-Kapusong aktres tungkol sa ginawa niyang “pagmamaldita” noon, meron kasi siyang naging statement nu’ng i-launch siya bilang member ng Star Circle Batch 2 (1996).

Ito’y may kinalaman sa pagkukumpara sa kanila ni Aiko Melendez dahil nga malaki ang pagkakahawig nila noon. At ang naging sagot nga ni Mylene na ikinawindang ng mga reporter, “I don’t want to be the known as the next Aiko Melendez.

I want to be known as the first Mylene Dizon!” “Alam n’yo hindi na ako nilubayan ng statement kong ‘yan. Naging classic na ‘yan sa akin. Lukaret lang ako noong mga panahon na ‘yon.

Sabi kasi sa amin, star kami e ‘di nagpaka-star ako. Ang ending, maldita ang labas ko, ‘di ba?” tawa nang tawang esplika ng aktres.

Pero sey ni Mylene, nag-apologize naman daw siya kay Aiko after niyang sabihin ‘yun, “Pero in fairness, nag-apologize naman ako kay Aiko sa sinabi kong iyon.

I think nagkita kami sa isang event ng Dos noon at nakarating sa kanya yung sinabi ko sa press. Ang alam ko, natuwa pa siya sa akin e, kasi napaka-honest ko raw.”

In fairness, napangatawanan naman niya ang sinabi niyang yun dahil isa na nga siya sa iilang mahuhusay na award-winning actress sa kanyang henerasyon ngayon.

Happy ang lovelife ngayon ni Mylene at tanggap na ng dalawang anak niya ang boyfriend niyang si Jason Webb na isang taon na niyang karelasyon. Pero wala pa raw silang balak magpakasal.

“Okey naman kami ni Jason. Our relationship is good. Cool lang kaming dalawa. My kids like him, and his daughter naman likes me as well. So we are basically a family na rin. On marriage, we don’t really talk about it a lot.

“May times lang we think of it, pero hindi ganu’n ka-necessary din. Parang napag-usapan lang tapos wala na. Okey naman ang set-up namin ni Jason and if we ever get married, then mangyayari iyon.

Kung hindi, okey din naman. Walang pressure,” aniya pa. At siyempre, una pa rin sa priorities niya ang kanyang dalawang anak kay Paolo Paraiso, sina Thomas, 9, at Lucas, 5, “Wala namang problema.

The kids are growing up okay.  Tsaka regular naman nilang nakikita si Paolo kaya normal naman ang paglaki nila. We make sure naman na we attend to their needs maging sa school man o sa bahay.

Tsaka they always come first sa mga priorities namin.” Samantala, excited na si Mylene sa bagong serye niya sa GMA, ibang klaseng kontrabida raw ang role niya sa Once Upon A Kiss na siyang mang-aapi sa karakter ni Bianca Umali dahil mahirap lang ito, at gagawin niya ang lahat para layuan ito ng kanyang anak na gagampanan nga ni Miguel Tanfelix.

Ang huling soap na ginawa ni Mylene sa GMA ay ang Dyesebel noong 2009, “That was five years ago, and I am happy na welcome pa rin ako dito sa Kapuso network.

Tayo naman, kung saan may trabaho doon tayo. Hindi ko kailangan maging choosy at ang lalaki na ng mga anak ko. Lumalaki rin ang gastos!”

Read more...