“PARANG hindi na gaanong pinag-uusapan si Singkit Kim lately, ‘no? Nagsawa na ba ang mga tao sa bolahan nila ni lamyadang Xian Lim na kiyemeng sweet gayong napakalabo naman palang maging sila. Ha-hahaha!”
Iyan ang simulang chika ng isang baklitang friend namin tungkol sa magka-loveteam na Kim Chiu at Xian Lim. E, kasi nga raw, balitang mas banidoso pa kasi si Xian kaysa kay Kim kaya turn off actually ang dalaga sa ka-loveteam niya tuwing ipinipilit na meron silang something.
Tama na lang na friends-friends sila, huwag na raw masyadong i-push. Ang gusto raw kasi ni Kim ay yung barako – yung matigas ang muscles at bruskong kumilos at manalita.
Hindi raw niya kailangan ng lalaking madalas tumingin sa salamin – ayaw daw nito sa lalaking panay ang haplos ng dila sa kaniyang mga labi — yung ganoon.
Gusto niya yung medyo may konting dumi – yung konting raskal – hindi naman yung takaw-away. Yung lalaking-lalaki pero mahal siya. Yung puwede siguro siyang kargahin sa isang kamay sabay yakap-sul.
Hindi si Xian ang hinahanap niya. Iyon iyon,” litanya ng isang baklitang reporter na nakasabay naming magkape. Ha-hahaha! OA naman si baklush sa kaniyang description kay Xian – parang kulang na lang sabihin niyang bading si Xian.
Hoy, huwag nga kayong ganyan, hindi bading si Xian. Medyo mahinhin lang – medyo malamya pero hindi bading iyan. Ang tawag daw diyan ay effeminate – pero lalaki raw iyan. Promise!
“Promise-promise ka diyan! Hindi ka ba marunong mang-amoy? Kaya nga hanggang ngayon ay pa-cute na lang ang kaya nilang gawin ni Kim, ‘no! Masyado siyang makinis na lalaki, parang walang peklat.
Yung tipong makagat lang ng maliit na langgam ay pinapahiran niya agad ng anu-anong solution para hindi magpantal at magmarka. Unlike yung mga barako boys nating after a basketball game, kesehodang pawisan ay deadma lang.
“Dati raw basketball player iyang si Xian sa San Sebastian College kaya lang bangko lang daw iyan. Pang-display lang daw nila. Pag naglaro ng konti, pinauupo agad. Kumbaga, may player na sila, may muse pa.
Ha-hahaha!” dagdag pa ng baklitang friend natin. Bakit hindi na lang tumbukin ng kausap nating ang tunay na hanap ni Kim ay yung tipo ni Gerald Anderson? Paligoy-ligoy pa kasi ang bakla!
“Sorry na lang si Kim, super in love na sina Gerald at Maja (Salvador) sa isa’t isa. Palaging nakayakap ang matitigas na bisig ni Gerald kay Maja, ‘no! Feeling ko nga, baka mapadali silang makasal kungdi mag-iingat si Maja kasi mukhang pilyo itong si Ge, eh.
For sure, iyon ang na-miss ni Kim, ang bruskong yakap ni Ge.”Kaya inggit na inggit talaga iyan sa ex-best friend na si Maja. Nakita niyo naman kung gaano talaga siya kagalit noon, remember? Pero wait, parang magdedekada nang hindi pa rin yata maka-move on si Kim dahil sa sobrang sama ng loob nang hiwalayan ni Gerald.
“Lalo lang siya nasasaktan tuwing nakikita niya ang mga pics nina Gerald and Maja together dahil they look very happy sa piling ng isa’t isa samantalang siya ay nagtatago sa alindog ng kaniyang screen partner na mas mahinhin pa sa kaniya,” tuluy-tuloy na litanya ng aming kausap.
Enough na of Kim and Xian, puwede? Magpa-Pasko na. Move on, girl! Ha-hahaha! “Hindi pa ako tapos kina Xian at Kim, hindi nila puwedeng lokohin ang madlang people. Wala namang naniniwalang meron silang something ni Xian, eh.
Pareho actually silang maldita. I mean, maldita si Kim and maldito si Xian. Ganoon. “At yung huli nilang pelikula ay floptsina lounge kasi nga umikot sa kanilang dalawa ang istorya and even yung promo ng film.
Sana ginawa na lang straight comedy film ni Ai Ai delas Alas, baka tumabo pa sa takilya. Pero itong sina Kim and Xian, ang lakas pa ng loob na i-claim na boxoffice stars sila.
“Oh, ngayon, kung boxoffice stars sila talaga, bakit hindi kumita ang huli nilang movie? Bakit bigla silang nanahimik? Pag kumita ang pelikula nila ng beinte singko sentimos, agad-agad nilang ibinabandera sa social media na super-lakas ng film nila.
Ngayong floptsina, tahimik silang lahat!” pagtataray pa ng badingding friend namin. Hoy, huwag kang ganyan. Kumita naman daw iyon though hindi lang kalakihan.
Tsaka yung title noon ay….ano nga ba kapatid na Ervin ang title ng movie na iyon? Walang biro, umatake na naman ang memory gap ko. Hay, kasi naman, panay ang kain ng pork – kulang na kulang sa gulay.
Charrrooooozzzz!!! (Ha-hahaha! Past Tense ang title Papa Jobert! – Ed)