Kris sa pang-iisnab kay Kuya Germs: Ano naman yan…kaloka, ha!

kris aquino
MARAMING nagulat na mga taga-ABS-CBN kung saan nanggaling ang tsikang iniwasan ni Kris Aquino si German Moreno. Bukod tanging si Coco Martin lang daw kasi ang na-interview ng Mastershowman para sa promo ng “Feng Shui” na mapapanood na sa Dec. 25.

Sinubukan naming i-text si Kris kahapon tungkol dito at hindi naman kami nabigo dahil kaagad siyang sumagot, “Huh? Ano na naman ‘yan? Kalurx!” mensahe sa amin ng Queen of All Media.  “Dedma na Reggs, not worth the stress.

Unlike Coco, I have a daily morning show kasabay ng shooting ng movie.  “Kaya nga naospital na ako sa exhaustion at tumaas pa blood pressure ko.

Kung hindi ko nagawa lahat ng promo, it’s because I’ve really been stretched to my limit,” paliwanag pa ni Kris.  Pinagsabay nga naman ng TV host-actress ang shooting ng “Feng Shui”, ang taping ng Kris TV na kung saan-saan lugar pa sila inaabot, nandiyan pa ang live episode ng Aquino & Abunda Tonigh at The Buzz at iba pang commitments niya bilang endorser.

Hindi na rin nagawang siputin ni Kris ang kasal ng business partner niyang si Dominic Hernandez noong Sabado, na ginanap sa Cebu City dahil pinayuhan siya ng doktor na totally bed rest muna.

Matatandaang hindi rin siya nakasipot sa kasal nina Bianca Gonzales at JC Intal sa Palawan kaya iisa ang tanong ng lahat, makakadalo kaya si Kris sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Dec. 30 kung saan tatayo rin siyang ninang?

Kailangang magpagaling kaagad ni Kris dahil dapat present siya sa parade of stars ng Metro Manila Film Festival para sa “Feng Shui” dahil kung hindi ay  magbabayad na naman siya ng penalty.

Nagmulta na kasi sila sa MMFF dahil hindi sila umabot sa deadline ng submission of entry. Nagdagdag pa kasi sila ng mga eksena.

Samantala may nagsabi sa amin na mas nakakatakot daw ang “Feng Shui 2” kaya sulit ang ibabayad ng manonood at sulit din ang penalty ni Kris at ng Star Cinema kasama na rin sina Coco at direk Chito Roño na bumakas ng puhunan kay Kris.

Read more...