Andi: Ayoko na siyang balikan! sobrang sakit!

andi eigenmann
“SA sobrang sakit, wala na akong maramdaman! Manhid na ko!”

Iyan ang naging pahayag ni Andi Eigenmann nang tanungin kung anong na-feel niya nang ibandera ng kanyang greatest love na si Jake Ejercito sa social media ang bago nitong dyowa.

Pero sey ng aktres, nasa moving on stage na siya and so far, happy na siya ngayon sa kanyang personal life matapos silang mag-break ni Jake. Ayaw na rin niyang pakialaman ang relasyon ni Jake sa bagong babae sa buhay nito, ang sosyalerang non-showbiz girl na si KC del Rosario.

“I’m actually happy now. This is a question na laging tinatanong sa akin in every interview, and now, I hope that this will be the last, and that people can see that yes, we’re not together anymore and we’re not going to get back together and I’m happy,” chika ni Andi nang makachika ng entertainment reporters sa presscon ng suspense-horror movie na “Tragic Theater: Exorcisim Of The Film Center” under Viva Films.

Though inamin ni Andi na walang closure ang  relasyon nila ni Jake, ayaw na rin niyang magkausap sila nang masinsinan ng binata tungkol dito, “I do not really consider it kasi… wala lang, parang I feel like technically, wala.”

Grabeng pain ang naramdaman ni Andi nang bigla na lang silang maghiwalay ni Jake,   “Nu’ng beginning, the first time I found out about it, I saw it, sobrang nag-breakdown po talaga ako, nasaktan po talaga ako pero hindi naman nag-end in one day of posting sa social networking site.

It’s been going on everyday, of course, I see pictures everyday. “But ‘yun nga po, the first time I saw it, it hurts so much that wala na akong nararamdaman,” pahayag ng anak ni Jaclyn Jose.

Pero sey ni Andi wala namang mangyayari kung iiyak lang siya nang iiyak, meron din daw siyang anak na kailangang buhayin kaya sa ngayon, kay Elle lahat nakatuon ang kanyang atensiyon.

Nang tanungin  kung posible pa bang magkabalikan sila ni Jake, “Hindi na, tapos na. Ayoko na.” Dugtong pa ng dalaga, “For me kasi, gugustuhin ko ba talaga ‘to para sa sarili ko? Mas gusto ko ba na umupo na lang dito at masaktan at tanggapin na lang lahat? So I decided to move on, because I know for a fact that I deserve something and someone better.”

Kinilabutan kami habang nagkukuwento si Andi tungkol sa aksidenteng nangyari habang nagsu-shooting sila para sa latest movie niyang “Tragic Theater” na idinirek ni Tikoy Aguiluz.

Sa trailer pa lang ay talagang napapasigaw at napapapikit na kami!  Ito yung pagkahulog ng aktres mula sa ere matapos mapatid ang tali ng harness na nakakabit sa kanya habang kinukunan ang eksenang na-possessed siya ng evil spirit.

Parang may kung anong pwersa raw kasi na lumapit sa kinaroroonan ni Andi, lalo na nu’ng magsalita siya ng latin bilang bahagi ng kanyang eksena.

“Well, we all know that the film is about exorcism and possession. We were shooting that scene na nakalutang po ako sa ere as seen on the trailer.

Tapos habang nagtu-throw lines kami ni Kuya John (Estrada) because I needed to practice my lines because I was speaking in Latin.

“As I blurted out, habang inaangat po ako sa harness habang nagre-rehearse at nagtu-throw lines kami ni kuya John, as I blurted out my first line, pumiglas ‘yung tali ng harness.

I fell about between 10 and 15 feet off the ground,” chika ni Andi. Bumagsak siya sa ilang upuan sa theater kung saan sila nagsu-shooting at mula roon ay gumulong siya papuntang sahig, “I was just very lucky na walang serious injuries internally and externally.

But I did have a very big black bruise on my right thigh, tapos sobrang namaga po siya and I couldn’t walk for a few weeks. Tapos ‘yung lower back ko rin po ang natamaan. But sobrang swerte ko rin po na ‘yun lang ang nangyari sa akin.”

Hinimatay daw siya matapos ang aksidente, “Hindi raw ako gumalaw, eh. Pero thankfully, dahil kung gising ako, kung aware ako sa nangyari na I was falling, baka gumalaw ako or something, baka ‘yung bagsak ko, mas masama”.

Kung pamilyar kayo sa naganap na trahedya noong dekada 80 sa isang itinatayong film center sa bansa kung saan pinaniniwalaang maraming namatay na hindi raw nabigyan ng kaukulang libing, yan ang tema ng kuwento ng “Tragic Theater”.

Ayon sa mga kuwentk bumagsak daw ang scaffolding sa mataas na bahagi ng film center at natabunan ang mga trabahador sa ilalim nito hanggang sa mamatay.

Mula nga noon, kumalat na ang mga kuwento na maraming nagmumulto sa nasabing lugar dahil hindi matahimik ang mga kaluluwang naninirahan na doon ng maramign taon. At diyan nga iikot ang kuwento ng “Tragic Theater”.

Kasama rin sa “Tragic Theater” si Christopher de Leon at iba pang Viva artists na pumayag mag-guest appearance sa pelikula. Showing na ito sa Jan. 8, 2015 bilang opening salvo ng Viva Films para sa Bagong Taon.

Read more...