Empress sa paglayas sa ABS-CBN: Inaamin ko, nasaktan talaga ‘ko!

empress
DIRETSONG sinabi ng dating Kapamilya youngstar na si Empress na ngayo’y nagbabalik bilang Kapuso, na nasaktan siya sa pag-alis sa ABS-CBN.

Hindi rin nagpakaplastik ang dalaga nang sabihin niyang totoong napabayaan siya ng Dos kaya nagdesisyon na rin siyang mag-ober da bakod sa Siyete. Halos kalahating taong walang proyekto si Empress.

“Oo, inaamin ko nasaktan talaga ako. More than a year na akong walang TV show. Puro guestings, puro movie, pero hindi naman teleserye. Ayun, naghanap na nga ako ng mga tao.

They started asking na kung nasaan ako. I really got hurt talaga,” ang chika ng aktres sa pocket presscon na ibinigay ng GMA para sa bago nilang teleserye, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?

Makakasama ni Empress dito sina Geoff Eigenmann, Maxx Colins, Dion Ignacio at marami pang iba. Ayon pa ng dating Kapamilya star, nagdalawang-isip din siya kung tuluyan na niyang lalayasan ang ABS at ipagpatuloy ang kanyang career sa GMA, pinag-isipan daw talaga niyang mabuti ang magiging desisyon niya.

“Hindi ako agad nag-decide. Marami akong inisip. Matagal, hindi siya agad-agad, kasi ang tagal ko din sa ABS, di ba? Talagang sa kanila na ako lumaki.

Tinanong ko sila (mga bossing ng ABS), I really asked kung okay lang ba na lumipat ako. “Kasi if nagpaalam ka naman, if they really want you and they really have plans for you, they would say ‘No, stay here.’ O ‘No, just wait.’ O ‘Sorry it’s taking a long time but wait lang.’ No, e, they said ‘yes’ right away,” ang paliwanag pa ng dalaga.

Hindi naman daw siya galit sa dati niyang mother network, nasaktan lang daw siya sa nangyari sa career niya, “I just got hurt. Pero noong nagpaalam ako, ‘tapos they said yes, okay na ‘yon.

Wala nang sama ng loob kasi nagpaalam naman ako nang maayos. Na-inform naman sila, hindi naman ako umalis nang basta-basta lang.”

Hindi kaya naging mapili na rin siya sa proyektong gagawin niya kaya hindi na siya nabigyan ng teleserye ng Dos? “No, wala naman akong demands na ganu’n.

Mas gusto ko nga yung mga character roles kasi, yun ang uso ngayon, di ba? Mas sila pa nga ang napapansin. Pero siguro nahirapan lang silang magbigay ng projects kasi marami na silang artista.”

Natutuwa nga siya dahil mabilis ang naging desisyon ng GMA at binigyan siya agad ng soap opera, ito ngang Kailan Ba Tama Ang Mali? kung saan gaganap siyang bida-kontrabida.

Bagong-bago raw ito para sa kanya dahil medyo mature na yung atake niya sa role. Sabi nga ni Empress, huwag daw mabibigla ang kanyang fans sa mga ipakikita niya sa nasabing serye ng GMA dahil ibang-iba nga ito sa mga nagawa na niya sa ABS-CBN.

Sa ngayon, wala pa siyang exclusive contract sa Siyete, per project pa lang daw siya sa Kapuso network.

Read more...