Bagets na dyowa ni Ai Ai mayaman, di mukhang pera

aiai-delas-alas
Mababawasan na ngayon ang inis ni Ai Ai delas Alas dahil bumaklas na siya sa social media. Sarado na ang mga accounts niya. Magandang desisyon ang ginawa ng Comedy Concert Queen dahil hindi na masisira ang kanyang araw sa umaga pa lang.

Ang mga artista pa naman, kasabay ng kanilang pagkakape o pag-iinom ng juice sa umaga ang pagbisita sa kanilang Twitter, IG o FB accounts, tinitingnan nila kung ano ang mga mensahe sa kanila sa nakalipas na magdamag.

Kapag negatibo ang kanilang nabasa ay siguradong maaapektuhan na ang kanilang maghapon, kaya ang palaging payo ni Ms. Oprah Winfrey, “Do not entertain negative thoughts in the morning for it will change your energy the whole day.”

Ngayong wala nang makasisira sa maghapon ni Ai Ai delas Alas ay maitututok na niya ang kanyang mahalagang panahon sa pagtatrabaho, sa kanilang relasyon ni Gerald Sibayan, magiging maayos na ang kanyang buhay.

Maligaya ngayon ang magaling na komedyana dahil ramdam niya ang respeto at pagmamahal sa kanya ni Gerald, dalawampu’t isang taong gulang, pero ang takbo ng isip ay daig pa ang mga lalaking mas may edad kesa sa kanya.

Nakilala na namin ito nang personal, hindi ito maepal, napakasimple ng boyfriend ni Ai Ai. At walang katotohanan ang mga kuwentong lumulutang na materyal na bagay lang ang hangad ni Gerald sa komedyana, may sinasabi rin ang pamilya nito pero hindi lang nagyayabang.

Read more...