Housemate PACO sobrang angas, movie press nairita

Si Philip Joel Evangelista o mas kilala bilang si Paco ng General Santos City, isa sa Big Four ng PBB Unlimited ay aminado ring hindi kasundo si Slater Young in terms of views dahil nga palibhasa law student kaya gusto rin ng binata na siya ang masusunod.

Sa ginanap na presscon ng PBB Unlimited Big Four ay inamin sa amin ni Paco na kung may means lang siya ay ginamit na niya para siya ang maging big winner.

Sinabi ni Paco na pangarap niyang mag-artista at sa katunayan ay may background siya sa theater arts dahil noong high school ay napapasama siya sa mga stage play at naging scholar pa sya sa Phillipine School for the Arts sa Laguna.

“I think po kasi, showbusiness kasi is another medium po which I also want to try,” say ng binata.

Hindi kaya may bahid din ng pagkabading si Paco dahil sinasabi nga ng ilan na kapag nag-theater ang isang lalaki ay posibleng bading?

“Well, narinig ko na rin po ‘yang comment na ‘yan, wala pong katotohanan sa akin,” katwiran ni Paco.

Graduate ng Computer Science sa Cebu Doctors University at kasalukuyang kumukuha ng law (2nd yr) sa Mindanao State University bago siya pumasok sa PBB.

Isang abogado ang namayapang ama ni Paco kaya gusto niyang sundan ang yapak nito.

Hindi na rin baguhan si Paco sa PBB dahil nasubukan na rin niyang pumila noong season 2 kung saan nanalo si Beatriz So, pero hindi raw siya pinalad na mapili.

Nagtrabaho na rin noon si Paco sa call center at nagtayo ng sariling negosyo na nagdi-disensyo at sa marketing daw siya nakatutok, “Marami po kaming nakuhang raket sa Vietnam, nag-design kami ng float sa Baguio pero it lasted a year lang po kasi my dad died.”

Samantala, tinanong naming siya nang diretso kung totoo ba ang sinabi niya na hindi siya pabor na manalo si Slater sa PBB.

“Ang totoo po, it was a joke, but of course, half-meant ‘yun.

Lahat naman kami kaya pumasok sa PBB ay gusto naming manalo.

Hindi naman ako pumasok para gusto ko lang maging 4th place, of course I want to be the big winner.”

“Pero hindi ko po kinukuwestiyon ang mandate ng tao na si Slater ang ibinoto.

Of course, I wanted that position.

Pero siya ang pinili ng tao, wala akong magagawa, if there’s I can do about it, of course gagawin ko,” pagtatapat ni Paco.

Alam ni Paco na ang nagpanalo kay Slater ay ang magandang ugali nitong ipinakita sa loob ng Bahay ni Kuya na nagustuhan ng mga tao, “I’m sure hindi nila ako gusto kasi siyempre, nakita nila na talagang nagkakaroon kami ng sagutan, pero kapag nag-uusap kami ni Slater, civil lang.”

“Siguro I was built as kontrabida to him, which I understand kasi nobody likes a kontrabida.

Pero without the kontrabida, how can the bida be interesting.

How can you show the bida if there’s no kontrabida,” katwiran pa ni Paco.

At dahil maangas nga ang dating ni Paco ay hindi naging maganda ang impression ng tao sa kanya sa loob at labas ng Bahay ni Kuya bukod pa sa hindi rin naging maayos ang first encounter niya sa entertainment media sa ginanap na presscon ng Big 4.

Hindi raw kasi naging maganda ang sagot ni Paco sa tanong ng mga katoto kung magso-showbiz ay handa ba siyang makatanggap na ng mga indecent proposal mula sa mga bading.

“Oo nga po, kinabahan nga ako, kasi may maanghang na tanong, of course I cracked a joke, at hindi po kasi ako sanay sa ganu’ng tanong.

Naramdam ko na naka-offend ako kaya nag-sorry naman po ako, I’m really sorry,” pag-amin naman ng binata.

“Wala na po akong magagawa kung ayaw na nila sa akin,” saad pa niya.

Read more...