Kakapanalo pa lang niya pero mapapanood na siya agad sa finale ng seryeng E-Boy kagabi.
Imagine bossing Ervin, siya pa ang gumanap na Miyo (Bugoy Cariño) nang lumaki na?
At si Princess, magiging si Jessy Mendiola na kapag nagdalaga.
Sino ang mag-aakala na mabibigyan agad si Slater ng magandang break at ka-loveteam pa si Jessy?
At timing naman dahil si Pen Medina na isa sa cast ng E-Boy ang nagwo-workshop kay Slater noong hindi pa siya pumapasok sa Bahay ni Kuya kaya naman habang kinukunan daw ang eksena nina Slater at Jessy ay panay daw ang bulong ni teacher Pen ng, “Sige, kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan, okay na ‘yan!” na parang tatay ng PBB big winner.
Ang comment lang kay Slater ay ayusin na lang daw ang pananalita niya ng Tagalog dahil nga may puntong Bisaya pa ang binata at willing naman daw siyang mag-speech training.
Pero sa acting ay napakanatural daw ng binata.