ANNABELLE RAMA lalayasan ng mga anak?

 

Kapag hindi pa raw siya tumigil sa pakikipag-away

Amalia mas mataray kay Bisaya, walang inuurungan

IN fairness to tita Annabelle Rama, hindi na natin siya nariringgan ng anumang pasaring against tita Amalia Fuentes.

Mabuti naman kung ganu’n. Naging sobrang nasty na kasi ang awayan nila – naging personalan na – very unlikely for popular ladies in showbiz.

Matagal na kasi talagang may away ang dalawang ‘yan. Kumbaga, nagtimpi lang sila pareho at nang makahanap ng pagkakataon, hayun at sumabog na.

Kaya isa-isa silang naglabasan ng mga baho in public.

Pareho pa namang matapang, you know naman how feisty Annabelle Rama is, kaya nga siya kinatatakutang kalabanin ng ibang mga artista, di ba?

And you know din naman kung gaano katapang si Amalia, my gosh!

Doblehin mo ang pagiging mataray ni Annabelle! Pero of course, obviously, mas “queenly” ang bentahe sa kanilang labanan.

“Minsanan man siyang (Amalia) makipag-away, madudurog ka naman sa katarayan niya.

She speaks her heart, no one in the world can stop her,” anang isang close sa dalawang veteran celebrities natin.

Kaya raw tahimik si tita Annabelle lately ay dahil pinagmitingan daw nila ng mga anak niya ang mga issue.

Napuno  na raw ang mga bata dahil sa pagkapahiya nila kay Liezel Martinez na very close sa kanila.

“Nag-usap-usap ang mga bata at talagang pinagtulungan nila ang Mommy nila.

Binantaan daw nila ang kanilang ina na kapag hindi pa siya tumigil sa kadadakdak laban kay Amalia ay tuluyan na silang lalayo.

Kaya hayun, biglang tameme si Annabelle. Siguro napag-isip-isip din niya na may point naman ang kanyang mga anak,” sabi ng ating source.

Nakakaawa rin naman  si tita Annabelle sa senaryong ito.

Kasi nga, you know naman how she fights her battles ever since.

That’s how she was and always been. Masakit talaga siyang magsalita.

Pero you know, you also have to understand where she’s coming from. It may sound illogical for some, pero who are we to judge her?

Naaawa rin ako sa kanya in some ways.

Sa kagustuhan niyang maipagtanggol ang sarili at ang mga anak sa mga kaapihan sa mundo, she fights differently, iyon kasi ang nakasanayan niyang laban.

Hindi naman kasi siya katulad ng karamihan sa atin na nag-iisip kung paano lumaban ng win-win.

Si tita Annabelle kasi, parang loose cannon na malas mo pag napuruhan ka sa mga tira niya.

But she isn’t that bad at all as people may perceive her to be.

At nauunawaan ko rin naman ang mga anak niya, dahil nga kapag overboard na ang mommy nila, sila naman ang nagsa-suffer lalo na sa mata ng kanilang mga kaibigan at lalo na sa publiko.

Kaya siguro umabot na sila sa point na takutin  na ang kanilang mommy na kapag di tumigil sa pakikipag-away ay lalayasan na nila ito.

Hiyang-hiya raw kasi ang mga bata kay Liezel at kay Ms. Gloria Diaz na nadamay na rin sa away nina tita Annabelle at tita Amalia.

Dasal lang namin ay hindi na maapektuhan ang pamilya Gutierrez sa labang ito ni tita Annabelle.

After all, she’s been so good to her childiren. Iba kasi ang patakaran niya sa buhay pero hindi ko siya nakitaan ng masama bilang ina.
Between tita Annabelle and tita Nena, mas close ako actually sa huli, tita Nena loves me so much, pero sa ganitong pagkakataon, ayokong makialam sa kanilang alitan.

It’s theirs and all I can do is pray na sana’y magkaayos din sila. pero kung mahirap sa kanila ang magkabati, kahit maging civil na lang sila sa isa’t isa para hindi na lumala ang gusot.

Pareho lang silang talo kapag nagpatuloy ang kanilang bangayan.

“Iba si Amalia, hindi ‘yan marunong umiyak.

Diyan talo si Annabelle. Walang inuurungang tao si Amalia.

Hindi kakayanin ni Annabelle ang tapang nu’n.

Tested ang proven na ‘yan!” sabi pa ng kanilang common friend.

Read more...