Wish ni Ramon: Iatras na ang ’persona non grata’ sa Davao

ramon bautista
Wish ng TV host-comedian na si Ramon Bautista na iurong na ang parusa sa kanyang persona non grata sa Davao City.
Sey ng komedyante, nakapag-usap na sila ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at feeling niya ay okay na naman daw sila.

Kung matatandaan, noong nakaraang Kadyawan Festival ay nagbiro si Ramon na maraming hipon (read: maganda ang katawan pero chaka) sa Davao. Nagalit ang mga Davaoeños sa kanya hanggang sa ideklara nga siyang persona non grata.

Sey ni Ramon sana raw ay iatras na ni Mayor Duterte ang nasabing parusa kasabay ng pagsasabing, “Mag-ingat at maging aware ka sa sensitivity ng tao. Tina-try ko na maging maingat pero minsan sumasablay pa rin.

Eye-opener siya, dapat lang na maging cautious, ‘di lang ako.”Kung kami ang tatanungin, sana naman ay patawarin na ng mga taga-Davao si Ramon, tutak naman e, nag-sorry na ang aktor sa kanila at mukhang sincere naman ang kanyang paghingi ng tawad.

Kasama si Ramon Bautista sa MMFF entry na “Kubot: Aswang Chronicles” starring Dingdong Dantes, Isabelle Daza, Lotlot de Leon, Abra, KC Monterto, Julie Anne San Jose at marami pang iba.

In fairness, isa sa mga nasa listahan namin ng top five na panonoorin namin sa MMFF ang “Kubot” dahil napanood namin ang part one nitong “Tiktik”.

Nagustuhan namin ang unang installment ng “Aswang Chronicles” kaya sana maabot nito ang expectation namin sa part two sa direksiyon pa rin ni Erik Matti.

Siniguro ni Dingdong na mas pasabog, mas malaki at mas puno ng adventure ang “Kubot” kaya hindi sila mapapahiya sa manonood.

Read more...