Fajardo nanguna sa best player derby

SI San Miguel Beer center June Mar Fajardo, na walang duda na siyang pinakamalaking dahilan kung bakit ang Beermen ang nasa itaas matapos ang elimination round ng 2014-15 PBA Philippine Cup, ang siyang nangunguna sa Best Player of the Conference derby.

Ang 6-foot-10 Cebuano, ang naghaharing season Most Valuable Player, ay nag-average ng 41.2 statistical points kada laro matapos mag-average ng 18.5 puntos, 12.7 rebounds at 2.3 blocks sa 11 laro para sa Beermen sa elimination.

Nasa likod naman ni Fajardo si Alaska Milk forward Calvin Abueva, na may average na 17.4 puntos, 13 rebounds at 3.3 assist para sa Aces, matapos makalikom ng 38.5 statistical points.

Nasa ikatlong puwesto si 7-foot Barangay Ginebra center at 2014 Rookie of the Year Greg Slaughter, na may 35 SPs, habang pumang-apat si 2012 season MVP Arwind Santos ng San Miguel Beer na may natipong 33 SPs.

Read more...