Pinoy athletes pinuri ng PSC chairman

HINDI sa pamamagitan ng isang kompetisyon dapat pagbasehan kung pasado ba o hindi ang naging estado ng Philippine sports sa 2014.

Ito ang sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate na kung saan binigyan niya ng papuri ang mga pambansang atleta na ginawa ang lahat ng makakaya para bigyan pa rin ng karangalan ang bansa.

“We cannot judge the status or situation of Philippine sports based on one event alone. It will have to be assessed based on the entire year,” wika ni Garcia.

At para sa kanya, dapat ipagbunyi pa rin ang kinalabasan ng kampanya ng pambansang atleta dahil mahigit 500 medalya ang napanalunan ng ipinanlaban na mas marami kumpara noong 2013.

“As we close the year, we are still winning medals. Our athletes have been performing more than what we expected,” wika ni Garcia sa huling PSA forum para sa taon.

Pero aminado rin si Garcia na hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagsali ng bansa sa Asian Games sa Incheon, South Korea na kung saan siya ang chief of mission ng delegasyon.

“I had high hopes dahil chief of mission ako pero hindi natin nakuha ang target medals. But there is no one to blame but the breaks of the game,” ani pa nito.

Isang ginto, tatlong pilak at 11 tansong medalya ang napanalunan ng bansa sa Incheon at ang ginto ay naibigay ni Fil-Am Daniel Caluag sa BMX event sa cycling sa araw na ginunita ni Garcia ang kanyang kaarawan.

Read more...