Dingdong: Mas gusto kong bumuo ng pamilya kesa mag-politika!

dingdong dantes

MAS priority ni Dingdong Dantes ang bumuo ng sariling pamilya kesa ang pumalaot sa mundo ng politika. Ayaw pa ring tumigil ang mga chika na naghahanda na ang GMA Primetime King sa pagsabak sa darating na 2016 elections, at ayon sa mga ispekulasyon ng marami, ang pagpapakasal nila ni Marian Rivera ang isa sa mga senyales nito.

Sa presscon ng “Kubot: The Aswang Chronicles 2″ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Isabelle Daza, natanong uli ang aktor tungkol sa politics, hiningi ng press ang kanyang reaksiyon tungkol sa lumabas na latest survey ng Pulse Asia kung saan nakakuha ng 11.1 percent share of votes sa senatoriables na posibleng tumakbo sa 2016.

Umiling-iling muna si Dingdong bago sumagot, “If you ask me right now, I really don’t have any plans. “Sa ngayon po talaga, ang concentration ko talaga is to build my family.

And sa sobrang dami pong ginagawa sa Yes Pinoy Foundation at sa National Youth Commission, du’n pa lang sa trabaho ko, madami na talaga,” tugon ni Dingdong.

Pero sa pagtatanung-tanong namin, baka raw biglain na lang ni Dingdong ang madlang pipol sa pagpasok niya sa politika at totoo raw talaga ang chika na this early ay marami nang nanliligaw kay Dong para tumakbong senador.

Feeling naman namin, magiging mabuting public servant ang husband to be ni Marian. Samantala, sinisiguro naman ni Dingdong na mas malaki, mas magastos at mas matitindi ang eksena sa part two ng “Aswang Chronicles”.

Sa katunayan, ngayon pa lang ay pinag-iisipan na nina Dingdong at direk Erik Matti ang part three ng nasabing “Aswang” franchise.

Tatlong horror movies ang maglalaban-laban sa MMFF 2014, ito ngang “Kubot”, “Feng Shui” nina  Kris Aquino at Coco Martin at ang “Shake, Rattle & Roll XV” – ano nga ba ang  lamang ng part two ng “Aswang Chronicles”?

Tugon nu Dingdong, “Well kasi, we consider ours more of a crossover ng horror, comedy, and adventure, e, na may action din. It’s a little bit of everything.

“Kasi nakita namin yung strength nung una (Tiktik: The Aswang Chronicles), horror and comedy. Yung iba naman, in respect to their material, straight horror sila, ‘di ba? So, kami, meron kaming variety,” sey pa ng aktor.

“I treat the franchise, The Aswang Chronicles, as well as sa lahat ng artistang kasama ko, as really something na proud kaming i-share sa mga tao.

Hangga’t marami kaming mapapasaya na mga manonood andyan ang partnership namin ng mga producers to give the audience what they deserve,” dugtong pa ni Dingdong.

Hirit pa ni Dong, “The challenge of having a franchise is that every new release has to be better than the previous one. We will meet that goal with Kubot as well as for the future sequels. That is our commitment.”

Bukod kay Isabelle Daza, kasama rin dito sina KC Montero, Joey Marquez, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Hannah Ledesma, Jun Sabayton, Julie Anne San Jose, Abra, at Ramon Bautista.

Read more...