Isabelle sa pagsali sa Beauty Contest: Ayokong makipaglaban para maging pinakamaganda!

 

KAHIT kailan ay hindi pinangarap ni Isabelle Daza na mag-join ng beauty contests tulad ng kanyang inang si 1969 Miss Universe Gloria Diaz,

“A, no, never! Because I’m more of the tomboy so I like sports, action, ganu’n,” ang tugon ng dalaga nang makorner ng entertainment media sa presscon ng MMFF entry na “Kubot”.

Bakit parang wala siyang interes kahit konti sa mga beauty pageant?  “E, mahirap ang beauty queen, ‘no! “Ang daming magaganda there. Ayoko nang makipagkumpetisyon na maging pinakamaganda.

Maraming magaganda diyan.”  Never din daw siyang pinilit o hinikayat ng kanyang mommy na sumali sa mga beauty contest, “Hay naku, no! Everytime anyone asks me, sinasabi niya, ‘O, isuot mo na lang ang crown ko!’”

Natanong din ang dating co-host ng Eat Bulaga tungkol sa kanyang boyfriend na foreigner na si Adrien Semblat na isang French, paano ba niya ikukumpara ito sa mga Pinoy?

“Hmmm… a foreign boyfriend is very… I dunno, e! I guess Filipinos are also… marami silang similarities, they’re very family-centered, maalaga. I guess a foreign boyfriend lang is more practical and… iyon, more practical siya.”

Read more...