NORMALLY, I am the last to know sa mga kaganapang pampersonal ng aking mga babies sa showbiz.
Kasi nga, I don’t dwell on their personal lives unless they ask for my advice.
Pero, I get the real stories naman kapag nagtatapat na sila sa akin and I make sure that we discuss matters thoroughly.
One thing talaga na ayokong mangyari sa kanila ay ang masaktan nang sobra dahil mas nasasaktan ako for them.
We decently talk about things kaya tingnan n’yo naman, lalong tumitibay ang aming samahan.
Anyway, one time ay nagkausap kami nang masinsinan ni Papa Aljur Abrenica.
Natuon ang usapan namin sa lovelife niya. I asked him about the status ng love affair nila ni Kylie Padilla, anak ng kaibigan nating si Robin Padilla.
“Mahal ko si Kylie kaya lang, she asked for this break-up.
Ilang beses nang ganito kami, hindi na bago ito sa amin. Pero yung last ay parang diretsahan na.
Nakakapagod din kasi ang ganitong set-up. She would always call for a break up dahil sa tampo niya sa akin.
“Ako naman, I give her her space that she wants at aaminin ko, mahal ko talaga siya.
For the moment ay off kami,” pag-amin ni Papa Aljur na dinadaan na lang sa pagka-busy ang kanyang broken heart.
I told him to assess everything. Kung mahal niya talaga si Kylie and if he doesn’t want to lose her again, suyuin niya uli.
Pero kung ayaw na sa kanya, di maghanap na siya ng iba, di ba?
Iyan ang hindi ko makakalimutang advice sa akin ng mommy ko noong nabubuhay pa siya. Pag gusto mo raw ang tao, pag mahal mo, ipalaban mo.
Pero kung ayaw na sa ‘yo, huwag mo nang pilitin at maghanap ng iba.
I find it logical though medyo mahirap pag ikaw ay super in love. But you have to move on, that’s a universal law.
Kaya kita n’yo naman kung gaano ako katatag sa larangan ng love.
Hindi ako pwedeng masaktan nang todo-todo dahil ayokong i-entertain ang salitang “sakit”.
Bago pa man dumating ang ganu’ng sitwasyon, nilalabanan ko na. Iyon nga lang, mas mahirap maghanap ng matinong kapalit, lalo pa’t sobrang mahal mo yung taong ‘yun.
The next always suffers in comparison.
And it’s not fair to compare, may kanya-kanyang strengths and weaknesses ang bawat tao. But sometimes you can’t help but entertain comparison, di ba?
Anyway, Papa Aljur is now going to Boracay para sa Century Tuna event.
Ang maganda sa trip na ito ni Papa Aljur sa Bora, maisasama niya ang kanyang barkada para sa ilang araw na bakasyon.
Doon siya titira sa favorite naming hotel, ang La Carmela de Boracay sa station 2 owned by dear friend tito Boy So.
“Mama, hanggang Monday kami du’n, ha. Don’t worry, babalik ako sa Monday at hahabol ako sa birthday party mo,” lambing ng mahal kong anak-anakan.
Nakakatuwa naman si papa Aljur, kasama pala sa itinerary niya ang pagpunta sa party ko sa Lunes.
Kaya ako naman, tuwang-tuwa dahil makakasama ko na siya this time sa party ko.
The last two years kasi ay lagi siyang out of the country for some shows.
Marunong talaga sa buhay ang mahal nating aktor na ito.
Kahit hindi man siya sobrang yaman, he’s liquid with money. Marunong kasi siyang mag-ipon.
In fact, naghahanap siya ng medyo murang lupa sa bandang Quezon City dahil gusto niyang patayuan ito ng bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Meron siyang nakita kaya lang sobrang mahal – P12 million, lupa lang.
Tinatawaran niya pero ayaw ibigay ng nagbebenta, “Naghahanap uli ako, ‘yung maluwang sana at babayaran ko ng cash.
Tapos, pag-iipunan ko ‘yung pagpapatayo ng bahay du’n.
Kaya lang, sobrang mahal talaga ng lupa dito sa Q.C. Maganda kasing investment, di ba, Mama?” kuwento sa akin ni Papa Aljur.
I agree with him. In fact, nang pasyalan ko ang Patio Alfonso Resort nila sa Batangas City, I am so impressed.
His dad is very good in business. His mom naman is a very loving and protective mom sa kanilang magkakapatid. Kumbaga, napakasarap nilang tingnan bilang pamilya.
Kaya sabi ko nga kay Papa Aljur, kahit medyo hindi siya sinwerte sa lovelife, ang swerte-swerte naman niya sa kanyang career at sa kanyang family.
Bukod sa kanyang mga shows, ang dami-dami rin niyang endorsements.
At hindi pipitsugin ang talent fee niya para diyan, ha! Ikaw na ang maging Aljur Abrenica, di ba naman!?