NAGULAT, as in na-shock nga si Angelica Panganiban sa paglipat ni Derek Ramsay sa TV5 pagkatapos ng limang taong pagiging Kapamilya.
Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Derek sa kapatid network at ang unang show nga na gagawin niya ay ang Amazing Race Philippines bilang host.
Say ni Angelica, wala raw talaga siyang kamalay-malay sa naging desisyon ni Derek, “Yes, nakakaloka! Nagulat talaga ako.
Well, hindi naman puwedeng hindi niya nababanggit sa akin ‘yun.
Pero sa ganu’ng aspeto kasi, as long as na hindi kailangan ang opinyon ko, hindi ko naman ibinibigay. Desisyon niya yun.
“Kung doon siya magiging happy, du’n ko siya susuportahan, kami ng family niya.
Work yun, e. Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin.Nu’ng nakapag-decide kasi siya, nasa Vietnam na ako, so nakakagulat.
“Pero ganu’n kami katiwala sa isa’t isa na kahit anong decision mo, okay lang,” litanya ni Angelica sa Cinema One News.
Ayon naman kay Derek, ang paglipat niya sa TV5 ay isang preparasyon na rin para sa magandang future nila ni Angelica.
Inamin ng bagong Kapatid actor na seryosong-seryoso na sila ni Angel sa kanilang relasyon at napag-uusapan na rin nila kung paano nila ise-secure ang kanilang buhay once na mag-decide na silang magpakasal.
Muli, ipinagdiinan ni Derek na hindi pera-pera lang ang paglipat niya sa TV5 dahil unang-una, halos magkasinglaki nga ang talent fee na in-offer ng dalawang istasyon sa kanya at pangalawa, matagal na raw talaga siyang may standing offer sa TV5 bago pa man niya gawin ang mga blockbuster movies niya sa ABS-Star Cinema na “No Other Woman” at “Private Benjamin”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.