NAPASABAK agad sa halikan si Isabelle Daza sa unang teleserye niya sa ABS-CBN, ang Nathaniel na pagbibidahan ni Gerald Anderson at Shaina Magdayao.
Ayon sa TV host-actress ngayong nasa Kapamilya network na siya, puro workshop na ang inaatupag niya ngayon, ibang-iba raw ang working atmosphere sa Dos, “Sobrang iba, kasi it’s parang… bago kami mag-taping, kailangan kong mag-workshop.
“So, parang sa workshop pa lang, kailangan na namin ni Gerald mag-get to know each other. Parang ‘yung scenes namin, may mga halikan factor. Hindi ko pa siya kilala, so kailangang ma-break (‘yung wall).”
At dito nga niya naikuwento na agad-agad ay kissing scene ang ipinagawa sa kanya, “Halikan agad! But I think, du’n sa ABS, work is work. Hindi mo inisip yung, ‘Oh, my gosh, I don’t want!’ or yung pagkaarte, you know? You can’t make arte there, parang kailangan work is work. Dun sa workshop, kailangan yun.
“So, talagang na-culture shock ako… not naman culture shock, pero shocked ako. “And then, after, I realized na, ‘Okay, ganito pala dito.’” ani Belle kasabay ng pagsasabing mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya stars sa paglipat niya.
At sa muli nga niyang pagtapak sa bakuran ng GMA 7 kamakailan para sa presscon ng “Kubot: The Aswang Chronicles 2” na isa sa mga official entry sa darating na MMFF, parang bumalik lahat ng magagandang memories niya sa Siyete, “Well, it’s nice to be back and to see siyempre Miss Annette Gozon (GMA Films president), she’s very, very kind to me.
And this room, very, very… parang kailan lang. ‘Yun na. Parang kailan lang.”