Sulat mula kay Jenny ng Cabittaogan, Sta. Catalina, Ilocos Sur
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako at magtu-two years na ang relasyon naming sa darating na December 25. Nag-aaya na po siyang magpakasal, kasi may konting ipon na daw po siya. Pero until now undecided pa rin ako kasi may ka-chat mate po akong foreigner ng hindi nya alam. Iniisip ko po kasing makarating sa abroad kung sakaling magiging tapat ang ka-chat mate kong foreigner sa kanyang pangako na dadalhin nya daw ako sa bansa nila kung sakaling papakasal ako sa kanya. Nais ko lang pong malaman kung sino sa dalawang lalaking ito ang aking makakatuluyan? January 8, 1989 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay September 14, 1987 at ang ka-chat mate ko namang foreigner ay April 23, 1986 ang birthday.
Umaasa,
Jenny ng Ilocos Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Masyadong malayo sa kanyang lalagyan ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, “malayo” ang iyong mapapangasawa, kaya malaki ang posibilidad na sa bandang huli ang ka-chat mate mong foreigner ang iyong makakatuluyan.
Cartomancy:
Kung mayaman ang ka-chat mate mong foreigner o kung sino man ang mayaman sa dalawang binabanggit mong lalaki ang King of Diamonds, Ace of Hearts at Eight of Hearts ang nagsasabing (Illustration 1), iyon ngang lalaking iyon na mayaman ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Itutuloy…
May ka-chat mate na foreigner
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...