James Reid dinenay na dyowa ang sister ni Kim: Wala akong GF!

james reid
MARIING itinanggi ng matinee idol na si James Reid na may relasyon sila ng kapatid ni Kim Chiu na si Wendolyn Chiu – hindi rin daw niya ito nililigawan.

Kumalat sa social media ang tungkol kina James at Wendolyn nang magpalitan ng mensahe ang dalawa sa kanilang Facebook account. Para sa mga nakabasa nito, iisipin mong meron talagang “something” sa pagitan nila dahil kilig na kilig nga ang sisteraka ni Kim sa ka-loveteam ni James Reid.

Pero sa interview ng ABS-CBN kay James, dinenay nito na nagkakamabutihan na sila ni Wendolyn, “Nothing. We’ve met each other a couple of times outside. We know each other through common friends. I’m just being friendly.”

Nang tanungin muli kung nililigawan niya ang kapatid ni Kim, umiling-iling muna ang binata sabay sabing, “No. I’m not dating anyone. Right now,  I’m not ready to enter into a relationship.

I’m so busy I don’t even have time for myself. Maybe next year.” Sey pa ni James, baka na-misinterpret lang daw ang friendship nila ni Wendolyn at dahil kapatid nga ito ni Kim, “I guess it was just a misunderstanding.

I haven’t seen her for the longest time. She’s a common friend with Andi (Eigenmann). That’s how we met.” In fairness, kawawa rin ang sisteraka ni Kim dahil mula nang lumabas ang isyung ito ay talagang puro lait ang inabot nito, lalo na sa fans nina James at Nadine Lustre.

Kung ano-anong pang-aalipusta ang isinampal ng ilan sa bashers laban kay Wendolyn. Kaya siguro naman  matatahimik na ang JaDine fans  matapos magsalita si James.

Read more...