Diether Ocampo balik-drama sa MMK

diether ocampo
BIBIDA sina Diether Ocampo at Yam Concepcion sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi.

Gaganap si Yam bilang si Leng, ang masayahin at masipag na maid na magpapalambot ng puso ng karakter ni Diether na si Ronnie, ang seryoso at istriktong amo niya na isang single parent na may dalawang anak.

Paano nagsimula ang sikretong pagmamahalan ng mag-among Ronnie at Leng? Anong gagawin nila sa sandaling kontra ang pamilya ni Ronnie sa kanilang relasyon?

Makakasama nina Diether at Yam sa MMK episode sina Tetchie Agbayani, Robert Seña at Raikko Mateo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Speaking of Diether, tiyak na marami na ang nakaka-miss sa Kapamilya hunk actor kaya hindi n’yo dapat palampasin ang kanyang pagbabalik sa MMK.

Kamakailan ay nabalitang may balak na raw lumipat sa GMA si Diet, pero hanggang ngayon ay walang malinaw na detayle hinggil dito.

Matagal-tagal din nating hindi napanood si Diet sa mga programa ng ABS-CBN, ang balita, pabalik-balik daw ng Pilipinas at Amerika ang aktor dahil meron itong inaasikasong mahalagang bagay roon.

Read more...