Suot na kuwintas ni Kris, P5-M ang halaga

kris aquino
SUOT ulit ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang heart-shaped diamond-studded necklace sa presscon ng “Feng Shui 2” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival this year.

That same necklace ang nakita namin na suot ni Kris sa The Buzz kung saan may nakatutok na bodyguard last Sunday. Ang diamond necklace na ‘yan ni Kris ay worth P5 million at mula sa bago niyang ine-endorse na jewelry shop na My Diamond.

We heard nagustuhan ni Kris ang naturang piece of jewelry. Kaya siguro feel niya isuot palagi. Kung bilhin man ‘yan ni Kris, ‘di naman imposible. Kering-keri naman niya ang bumili ng alahas worth P5 million, ‘no?

Anyway, tanggap ni Kris na hindi magna-number one sa ranking ang “Feng Shui 2” na first movie team-up nila ni Coco Martin.
“Well of course, I can’t discount the fact naman na si Vic (Sotto) at si Ryzza Mae (Dizon) nandiyan din ulit, ‘di ba? So, ‘yung mga pambata at pampamilya, so I think it’s a toss between the two.

Kung sino ang mangunguna sa day one. Pero I’m very confident about our movie,” pag-amin ni Kris Deadmabelles na lang daw siya sa ranking. Basta meron lang siyang goal at ipinagdasal na amount ng kikitain ng “Feng Shui.” ‘Yun din naman daw ang ginawa niya last time at hinigitan pa ang ibinigay sa kanya ni Lord.

Kaya kung ang wish ni Vice Ganda ay kumita ng P600 million ang “The Amazing Paraybeyt Benjamin,” e, ayaw naman magbigay ng figures ni Kris para sa movie nila ni Coco.

“Oh, my God! See, ‘yun. I told him to manage your expectations. Parati kong sinasabi, hindi, kasi alam ko ‘yung budget namin. Alam ko kung ano ‘yung kailangan naming kitain sa theatrical including ‘yung kailangan mong kitain abroad.

Pero ‘yun, kung ano ‘yung figure na ibinigay sa akin na boundary. ‘Yung boundary na ‘yun sinabi ko sana mga times 2.5,” pahayag niya.

Dapat lang siguro na kumita rin ng bongga ang “Feng Shui 2”, hindi lang kasi pera ni Kris ang itinaya niya sa movie kundi pati ang kanyang lovelife. Ipinagpaliban nga muna niya ang pagbulaklak ng kanyang lovelife these past few months dahil sa kabisihan niya sa shooting for “Feng Shui 2.”

“I said ipagpapaliban ko habang nagsu-shooting ako. Ha-hahaha. I think it will come when, okey. Paano ko ba sasagutin ‘yan na hindi ako masyadong feeling feelingera. Ang hirap, ha!” reklamo ni Kris.

Pagpapatuloy niya, “Kasi si Bimb, it’s okey, e. Sabi niya, what will make you happy Mama, I’m cool with it kasi anyway, my Papa is happy. Kasi ‘di ba sinasabi nila, if that is happy, one of the things that makes you happy right now, isasantabi mo muna.

So, ‘pag handa na ako na isantabi ‘yung ibang portion ng buhay ko.” Super iwas talaga si Kris sa pagsagot pa tungkol sa nakaamba na bagong pag-ibig niya.

“Ano kaya? Ayoko talagang sagutin, sorry. I’ve learned talaga, kasi siguro it won’t benefit the development of a good relationship if you guys find about it. I’ll take my cue from Rodel (Coco), ‘di ba?

At least, happy siya,” na ang tinutukoy ay ‘yung mysterious girls na nagte-text at tumatawag kay Coco kahit madaling araw sa shooting ng “Feng Shui 2.”

Another movie na magpa-part two at parehong nagkaroon ng regular run sa mga sinehan noon gaya ng “Feng Shui” na isinali sa MMFF this year ay ang “Kubot: The Aswang Chronicles” ni Dingdong Dantes.

“‘Yun ang kagandahan dito sa experience ko in making ‘The Aswang Chronicles’ with the team of Reality and GMA, na mas nangingibabaw ang istorya kesa sa lahat. Kasi doon  naman magsisimula ang lahat, e.

“So, para sa amin at para sa kanila, binigay naming lahat ng kung paano ipapalabas ang pelikula. That’s why, meron at meron talagang binabagayan na role at mapalad ako na napunta sa akin ‘yung karakter ni Macoy,” lahad ni Dingdong sa presscon ng “Kubot.”

May movie rin ang soon-to-be-wife niya na si Marian Rivera sa MMFF, ang “My Big Bossing.” Kaya ang tanong kung napag-usapan na ba nila kung paano nila panonoorin ang movie ng bawat isa.

“Hindi pa namin napapag-usapan. Pero we’re hoping kasi na magkaroon ng special screening bago mag-Christmas. Baka mauna kami,” sabi niya.

Last Monday ay nakita sina Dingdong at Marian sa St. Luke’s Global. Bago mag-isip ng kung ano ang iba diyan, hindi si Marian ang itinakbo sa ospital kundi siya.

“Syempre napapagod din naman ang tao, ‘di ba? Medyo nagkaroon ng konting fever. But we made sure naman ‘yung mga tests it didn’t rule anything  serious. So, kinailangan lang ng konting pahinga,” kwento ni Dingdong.

Kung wish ni Vice Ganda na kumita ng P600 million ang “Praybeyt Benjamin” at si Kris Aquino ay ipinagdasal na kumita ng doble ang investment nila sa “Feng Shui”, si Dingdong naman meron ding target income for “Kubot.”

“Well, definitely, sana more than what we had doon sa una, because audience-wise, lumabas na mas marami naman talaga ang nanonood sa filmfest.”

Read more...