Magkakabalikan pa ba?

Sulat mula kay Anna Liza ng Malabal, Calbiga, Western Samar
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang buwan na kaming hiwalay ng boyfriend ko. Nakapanghihinayang nga kasi magpapasko pa naman. Naisipan ko pong sumungguni sa inyo. Sir Greenfield, upang itanong kung magkakabalikan pa kaya kami. Minsan naiisip kong ako na ang magparaya o unang tumawag sa kanya kaya lang may pride din naman ako. Ano sa palagay n’yo, ako na ba dapat ang unang makipagbati, kaysa mawalan ako ng boyfriend ngayong Pasko? At ask ko din po kung compatible po ba kami. September 7, 1992 ang birthday ko at April 29, 1991 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Anna Liza ng Western Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi naman pumangit sa halip ay lalo pang gumanda ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, pagbali-baliktarin mo man ang sitwasyon, walang malaking kabiguang magaganap sa iyong tadhana, na ngangahulugan lamang na sa malao’t madali magkakabati rin kayo ng boyfriend mo.
Cartomancy:
Ang Queen of Clubs, Seven of Hearts at Jack of Hearts (Illustration 1.) ang nagsasabing dapat ka ngang magparaya o gumawa ng unang hakbang upang magkabati kayo ng boyfriend mo, sa isang tumbok at primerang dahilang lamang – dahil sa pag-ibig. Dahil mahal mo siya, ikaw ang dapat na unang bumati, tumawag or mag-text sa kanya. Sa ganyang paraan, kapwa magiging maligaya ng pasko nyong darating.
Itutuloy

Read more...