Horoscope, December 13, 2014 | Bandera

Horoscope, December 13, 2014

Madam Sophia - December 13, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Makuntento sa kasalukuyang buhay! Upang lumigaya, wag ng hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa maghanap ng iba, painitin ang kasuyong nanlalamig, patikimin siya ng matinding romansa. Mapalad ang 1, 7, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.”  Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig wag buntot ng buntot sa kasuyo, kailangang mag-isip ka ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 39, at 45. Mahiwagwa mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam-Om.” Blue at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Iplano ng mas maaga ang nalalapit na kapaskuhan! Mas makatitipid kung ngayon palang ihahanda na ang pang-regalo para sa Pasko. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa Divisoria at iba pang tianggian mamili sa halip na sa department store. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tam-Kale-Varam-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag ipagkait ang tulong sa iba! Kung lagi kang tumutulong ng walang kapalit lalo kang pagpapalain ni Lord. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love  sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa. Mapalad ang 5, 14, 22, 37, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Sari-Kara-Carya-Om.” Gray at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Bigyan ng sapat na oras ang pamilya! Hindi masamang magpayaman, kaya lang dapat mo ring dulutan ng sapat na panahon ang minamahal.  Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung mawawasak naman ang iyong love life? Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.”  Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat ng todo ang kita. Sa pag-ibig, wag kang kabahan, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Sa bandang huli sa iyo ang huling halakhak. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tiyak na ang tagumpay! Sa mga panahong ito tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Panalangin ang susi upang magtagumpay! Magdaos ng isang prayer meeting sa business site upang umangat ang kita. Sa pag-ibig, imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang banal na lugar. Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Dosya-Om.” Maroon at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang magdesisyon ng nakabatay sa damdamin! Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Blue at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pagiging happy ang masamang karamdaman ay lilipas. Sa pinansiyal, lalo pang magtipid upang kapag may emergency na pagkakagastusan may madudukot ka. Sa pag-ibig, romansa ang pinakamabisang pampalakas ng immune system. Mapalada ng 5, 8, 18, 27, 30, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Raga-Vaana.” Blue at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kikita  ng mas maraming halaga kung tatapusin agad ang mga proyektong nakabinbin. Sa pag-ibig, pahinga muna sa romansa, mas kailangan pahalagahan ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 26, 34, at 40. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala”. Gray at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung papairalin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Wag maging isip bata. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal, upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Iwasang maubos ang oras sa mga gawaing walang katuturan! Wag ubusin ang oras sa kape-facebook. Sa pinansiyal, umpisahan mo ng magtipid upang makaipon. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kausyo, i-kiss mo siya at romansahin upang mawala ang pagsi-sintir. Mapalad ang 7, 16, 27, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending