Matteo umamin: May problema nga sa relasyon nila ni Sarah

sarah geronimo
AMINADO si Matteo Guidicelli na nagkakaroon din sila ng problema ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Pero aniya, bahagi naman daw ‘yun ng isang normal na relasyon, “Nagiging smooth naman lahat, pero siyempre meron namang challenges lahat ng relationships, ‘di ba? Nagpagdadaanan naman natin lahat ‘yan.”

Sa pocket presscon ng “Shake Ratttle & Roll 15”, ang official entry ng Regal Entertainment sa 2014 MMFF showing on Dec. 25 kung saan kasama nga si Matteo sa episode na “Flight 666”, sinabi rin ng binata na maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng Pop Princess, “Okay naman lahat. It’s okay. Everything’s good.”

Kasabay nito, dinenay din ng binata ang chika na may mga araw lang silang pwedeng magkita at mag-usap ni Sarah, “She’s 26, I’m 24, and we’re adults.”

Um-agree naman ang Kapamilya actor sa press nang may magsabi na mas lalong gumanda si Sarah ngayon, lalo na kapag napapanood siya sa The Voice of the Philippines, “Sinasabi ko nga sa lahat, ‘Ang ganda ng girlfriend ko ‘no?'”

Read more...