Para sa may kaarawan ngayon: Magkahalong inis at saya ang bubungad sa araw na ito. Bakit ba kung ano ang ayaw mo yon ang ginagaa nila? Ang magulong sitwasyon ay pahimakas ng paparating na malaking suwerte sa pinansyal at pag-ibig. Mapalad ang 1, 13, 28, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Yellow at black ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa darating na 2015 samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, hindi na kailangang hintayin ang Bagong Taon upang magpakatino, ipadama na ngayon palang ang labis na pagmamahal sa kasuyong Leo. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag ng mag-isip ng mamahaling regalo sa kasuyo ngayong papalapit na ang araw ng kapaskuhan, ang masarap na romansa sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, talagang ganyan ang Holiday Season magastos! Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Lilac at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sunggabang mabilis ang ang lahat ng oportyunidad na maaaring pagkaperahan. Sa pag-ibig, sabihin na agad sa minamahal na gusto mo siyang maka-date. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Dosya-Om.” White at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Mag-established ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sariling diskarte ang dapat upang lumigaya, wag ng makinig sa maling advice ng mga kaibigan. Mapalad ang 7, 9, 16, 27, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sundin ang tinitibok ng iyong puso wag making sa ibang tao. Sa pinansyal, gawin agad ang unang pumasok sa isipan, sa ganyang paraan mas madali kang uunlad. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Gold at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Gumising ng maaga at tapusin agad ang mga gawain sa ganyang paraan mas marami kang magiging oras sa mga bagay na maaaring pagkaperahan. Sa pag-ibig, hayaan mong ang kasuyo naman ang gumastos sa nalalapit ninyong pagde-date. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansyal, kahit tadtad ka ng utang sa ngayon, mababayaran mo rin yan pagdating ng 2015. Sa pag-ibig, may suwerte paring dulot ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, sipagan ang pagte-text ng sweet message sa minamahal upang matuloy na ang inyong Christmas date. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sunggaban ang inaalok na pag-ibig ng Aries, sa pakikipag-relasyon sa kanya, susuwertehin ka. Sa pinansyal habang lumalapit ang kapaskuhan, lalong uunlad at gaganda ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 9, 21, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansyal ang pagiging tapat sa kausap ang pagsisimulan ng malaking kita at kayamaman. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Maroon at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili, upang magkaroon ng direksyon ang iyong buhay. Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 2, 16, 25, 31, 40, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Malamig ang panahon at ang malamig na panahon ay nagbibigay ng suwerte sa mga Pisces, kaya kusang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig ay gayon din, lalo pang sasarap at tatamis ang pag-iibigan habang nalalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Green at pink ang buenas.