Coleen kay Billy: Lahat ng hinahanap ko sa isang boyfriend, nasa kanya na!

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

NAPAKALAKI na nang ipinagbago ni Billy Crawford. Saksi riyan ang kanyang girlfriend at co-host din niya sa Showtime na si Coleen Garcia.

Kuwento ni Coleen, mula nang mangyari ang iskandalong kinasangkutan ni Billy noong nakaraang September ay marami nang nagbago sa buhay ng kanyang kasintahan.

Kamakailan, sa presscon ng pelikulang “#Y” na showing na ngayon sa mga sinehan, nakachikahan namin si Coleen kasama ang ilang reporters, at dito nga niya ibinalita ang napakaraming pagbabago sa kanyang dyowa.

“It was his decision not to go out anymore. He’s really into…he’s changed since then—zero alcohol, zero smoking. I learned na mas may substance talaga ang mga bonding na kasama mo ang mga kaibigan mo, mga totoong kaibigan mo.

“Yung nasa bahay ka na lang, and I feel na it’s easier to be closer to your friends that way. Bumalik kami one time sa isang club, I feel na it’s so empty… it’s so empty,” ani Coleen.

Laging sinasabi ni Billy sa kanyang mga interview na isa si Coleen sa mga hinugutan niya ng lakas para makapag-move on sa nangyari, ano ang reaksiyon niya rito, “Well, thank you. Ganu’n naman talaga, when you are in a relationship, walang iwanan dapat, e. It’s all about…kahit yung hindi kayo kasal, may commitment pa rin dapat. Tapos, du’n dapat ilagay ang sense of commitment and support. All you need is to help him up, yun ang ginagawa naman isa isa’t isa. We are each other’s support system, na kahit anong mangyari, partner ko siya sa lahat.”

Inamin naman niya na kinausap talaga siya ng kanyang mommy tungkol sa relasyon nila ni Billy, “I talked to my mom about this before…nu’ng maaga pa sa stage ng relationship namin. Sabi niya, ‘Coleen, hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo? Are you sure it’s worth it? Like this, like that?’

“Sabi ko, it’s not easy to be with me also, in the same way na it’s not easy to be with him. Kung ano ang pinagdadaanan ko sa kanya, dahil nga sa what’s happening, nadadaanan din niya because of me.

“He’s been a very good boyfriend to me, he’s been so caring partner to me, so why would I’m gonna take it out on him? Yung mga nangyayari sa labas, bakit ko naman siya sisisihin pa, hindi naman niya kasalanan, ‘di ba?”

Dugtong pa ng dalaga, perfect guy si Billy for her, “Halos lahat ng hinahanap ko, nahanap ko sa kanya. Not that he’s a perfect person, but I think he’s a perfect partner. Kahit anong mangyari sa buhay ko, susuportahan talaga niya ako, he’s never gonna pull me down.

“Very honest siya sa akin, and I feel like I found not just a partner, but also a friend in him. Yung kaya kong sabihin lahat ng problema ko, at iintindihin niya  lahat,” aniya pa.

Read more...