Kathryn matagal nang dyowa si Daniel pero bawal pang umamin

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Kalat na kalat na raw na talagang magsyota na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit naman daw kasi hindi umamin ang dalawa, kitang-kita naman sa mga kilos at sinasabi nila na may relasyon talaga sila.

And even sa pamilya raw nina Kathryn at Daniel, it’s no secret na may special something between them. Wala naman daw problema sa pamilya nila dahil they both like Kathryn and Daniel for each other.

Kaya hindi na rin kami magtataka kung galing mismo sa mga malalapit kina Daniel at Kathryn ang tsika na sila na talaga, on and off cam.

But personally, mukhang hindi kami sure kung approved ng pamilya ni Kathryn ang relasyon nila Daniel. What we know kasi member ng Iglesia Ni Cristo ang mga magulang ni Kathryn. At hindi naman siguro sila ignorante sa rule ng INC na bawal makipagrelasyon sa hindi nila kapanalig sa pananampalataya.

Syempre, unang-unang tututol ang parents ni Kathryn kapag nalaman nila na boyfriend na ng anak nila si Daniel. Siguro by now ang alam nila, super close friends lang ang dalawa.

At ayon mismo sa isang myembro ng INC na si direk Arlyn dela Cruz, sinabi niya sa amin na pwede raw talagang matiwalag sa kanilang relihiyon si Kathryn kapag napatunayan na may relasyon siya sa isang ‘di-kapanalig.

Unless, magpa-convert na nga si Daniel sa INC. Pero kung ‘di naman talaga sure na sila ni Kathryn ang magkakatuluyan, baka hindi rin magandang ideya na magpa-convert sa ibang religion agad-agad si Daniel.

Read more...