Kris umamin: Walang epek sa lovelife ko ang Feng Shui!

KRIS AQUINO AT COCO MARTIN

KRIS AQUINO AT COCO MARTIN

AFTER 10 years ay muling mananakot ang blockbuster hit horror movie na “Feng Shui” ni Kris Aquino. This year official entry na ito sa 2014 Metro Manila Film Festival kung saan makakasama niya ang Teleserye King na si Coco Martin sa direksiyon pa rin ni Chito Roño.

Sa trailer ng part two ng pelikula, mukhang totoo nga ang sinabi ni Kris na triple ng part one ang katatakutan at mga madudugong eksena sa bagong “Feng Shui”. At kung isang Lotus Feet lang ang nananakot noon, dalawa na sila ngayon dahil kambal pala ang mga ito, idagdag pa ang pagpapatuloy ng sumpa ng bagua.

Sa presscon kahapon ng “Feng Shui” sinabi ng Queen of All Media na si Coco ang may idea na gumawa ng part two ng movie, gustung-gusto raw nitong gumawa ng horror film at favorite daw nito ang “Feng Shui”. Sey ni Kris nu’ng malaman niya ito, kinausap niya agad sina Biboy Arboleda (manager ni Coco) at Deo Endrinal (manager niya) na gawin na nila ang part two, tamang-tama raw dahil 10 years na ang lumipas.

“Atribida ako tinext ko si Direk Chito, ‘Are you interested to do the Feng Shui 2?’ Sabi ni Direk Chito, ‘Of course!’ kasi gustong gusto niyang makatrabaho si Coco,” sey ni Tetay.

Ayon naman kay Coco, dream project niya ang “Feng Shui” dahil noon pa niya gustong gumawa ng horror movie. Gagampanan niya rito ang karakter ni Lester na gagawin ang lahat para magkaroon ng magandang buhay hanggang sa mapasakamay niya ang isinumpang bagua na gumulo sa buhay noon ni Kris bilang si Joy.

Kuwento naman ni Kris, “Ako yung magbigay kay Lester ng warning na may kapalit lahat ng swerte niya. Mararanasan niya lahat ng na-experience ko.” Kaya siniguro raw talaga nila nina direk Chito na mas maraming patayan at mas maraming gulat factor sa pelikula.

“Nakakaloka ang death scenes dito, kasi aminin talaga natin yun ang  inaabangan ng viewers na mahilig sa horror. I’m sorry, I know it’s Christmas, pero maiba naman. Remember sa unang Feng Shui, yung death scene sa Red Horse ni Lotlot de Leon?

Meron nang kakabog dun, ang gaganda ng execution,” sabi ni Kris.

Ayaw nang magbigay ng ibang detalye si Kris tungkol sa magiging takbo ng pelikula pero anito bandang one third pa raw ng movie magkikita ang mga karakter nila ni Coco. At dahil dito inamin nina Kris at direk Chito na may kukunan pa silang additional scene, though tapos na raw talaga ang pelikula, pero nag-request kasi ang mga bossing ng Star Cinema na kailangan lumabas agad si Kris sa movie.

Makakasama rin dito sina Cherry Pie Picache, Jonee Gamboa, Carmi Martin, Joem Bascon, Martin Escudero, Ian Veneracion at marami pang iba. Showing na ito sa Dec. 25 bilang bahagi ng MMFF 2014 under Star Cinema.

Samantala, natanong din si Kris kung naniniwala ba siya sa bisa ng feng shui, “Sa entrance ng house, sa negosyo siguro totoo, effective siya. Pero sa pag-ibig, sa mga relationship na ganyan, parang hindi siya totoo for me.”

Todo puri naman si Kris Aquino kay Coco Martin bilang isang aktor. “Oh my, he’s the best. Sinasabi ko nga sa kanya, thank you for sharing your brilliance with me. Kasi siya yung tipo ng artista na magaling talaga pero hindi nagyayabang. I mean, he’s egoless, kasi nga ganu’n siya kagaling pero hindi mo mararamdaman sa ugali niya yun. He’s very humble.”

Read more...