Para di makidnap ng mga rebelde sa Mindanao
TULOY na tuloy na ang paggawa ng pelikula ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor with the internationally-acclaimed award winning director Brillante Mendoza.
Ang unang movie na pagsasamahan nila ay pinamagatang “Thy Womb” na isu-shoot entirely sa Tawi-Tawi.
For sure, it’s a dream come true for direk Brillante na ma-handle niya ang legendary actress ng local cinema. Last time we had an interview with direk Brillante, sinabi niyang matagal na niyang gustong makatrabaho si ate Guy.
During that time, nasa Amerika pa ang Superstar at wala pang kasiguruhan ang pagbalik niya sa bansa.
Hindi lang namin matiyak if it’s still the same project na nabanggit niya noon sa amin.
It’s ate Guy’s “newest” manager from TV5 na si Noel Ferrer ang nag-announce ng mga projects na gagawin ng Superstar for this year sa launching ng pinagsama-samang fan clubs ng aktres worldwide called Noranians Worldwide o ang NOW.
Makakasama ni ate Guy sa movie na ito sina Bembol Roco, Mercedes Cabral at Lovi Poe na pawang gaganap bilang mga Badjao.
Sabi naman ng personal manager ni ate Guy na si Boy Palma, nakatakdang pumunta ng Tawi-Tawi ang Superstar on April 14 at kinabukasan start na agad sila ng shooting.
Ayaw daw ni direk Brillante na pagsuutin ng wig si ate Guy sa movie kung saan kailangan mahaba ang kanyang hair. Instead, kinabitan ng hair extension ang aktres a day after ng launching ng NOW.
Kung 15 days daw magsu-shooting ang grupo na kasama sa “Thy Womb”, ganu’n din katagal sila babantayan ng mga sundalo sa lugar na ‘yun.
Knows naman kasi ng staff ni direk Brillante (siya rin ang producer ng movie) kung gaano kadelikado ang security sa Mindano.
Mas mauuna raw iikot sa buong mundo ang movie right after matapos gawin and then baka July pa raw maipalabas dito sa atin.
And by December, ‘di malayong maging dalawa ang movie ni ate Guy sa 2012 Metro Manila Film Festival. Una, ‘yung “El Presidente” with Laguna Gov. ER Ejercito at ‘yung isa pa nga na ipoprodyus ng TV5.
This is not the first time mangyayari ang ganito kay ate Guy.
Kung inyong matatandaan, ilang taon din noon na laging dalawa ang entry niya sa MMFF kaya madalas nahahati rin ang boto sa kanya for Best Actress.
Sa naganap na launching ng NOW, umulan ng cash prize sa raffle at ginawang pa-contest for the Noranians.
Bukod diyan, nagbigay din si ate Guy ng P100,000 bilang seed money ng NOW.
Dumating din sa event ang actor na si Edgar Allan Guzman, ang paboritong scriptwriter ni ate Guy na si Ricky Lee, Joan Banaga ng TV5, ang mga anak ng Superstar na sina Kiko at Matet de Leon kasama ang kanyang mister na si Mickey Estrada at mga anak nila.
At siyempre pa, ang executive ng TV5 na si Percy Intalan.
Sa nalalapit na kaarawan ng Superstar on May 21, may malalaking aktibidades ang naka-plano.
Baka by that time, natapos na ni Ricky Lee ang librong ginagawa niya para sa talambuhay ni ate Guy.
Marami pang activities na gagawin ang NOW at ang Superstar gaya ng pagbabalik teatro ni ate Guy at ang pagsasadula sa entablado ng hindi malilimutan niyang pelikula gaya ng “Bona” na pagbibidahan ni Eugene Domingo at ang “Bakit Bughaw Ang Langit”, kung saan gagampanan ni Edgar ang role noon sa movie ni Dennis Roldan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.