Retirement claim sa SSS

BAGO po ang lahat ay nais ko pong magbigay galang sa inyo, sampu ng iyong mga kasamahan diyan, at sana’y sa pagdating ng liham kong ito ay kayo po ay nasa mabuting kalagayan at walang anumang kasamaan sa buhay at laging pagpalain ng poong Maykapal.

Madam, kaya po ulit ako sumulat sa inyo ay sa dahilang may problema po ako tungkol sa aking retirement sa SSS. Ang SSS number ko po ay …8111.  Ang problema ay hanggang ngayon po ay wala pang dumarating na pensyon.

Ang ATM card ko po ay nakasanla na sa Matacon, Palagui, Albay dahil po kailangan ko po ng pera para maipadala ko sa Zambales para sa pangangailangan ng aking mga anak, kabilang na ang pagpapagamot sa isa sa kanila.

Kaya po, madame, sana po ay magawan ninyo ng paraan para mapadali ang aking retirement at pension para naman malasap ko  ang aking pinag-ipunan sa mahabang panahon. Gipit na po ako, madame. Sana po ay wag kayong magsawa sa pagtulong sa mga senior citizen na kagaya ko.  Ang  ID number ko ay …3236, birthday ko po ay May 27, 1952. Hanggang dito na lamang po.

Gumagalang,
Pepito Sapo Bartilet

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa liham ni G Pepito Sapo Batilet kung saan humihingi siya ng tulong ukol sa kanyang retirement claim sa SSS.

Nais po naming ipaalam kay G. Batilet na ang kanyang retirement claim ay naaprubahan na noon pang October 29, 2014.
Maaari na po siyang mag-umpisang mag-withdraw ng kanyang pension mula November 18, 2014.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Batilet.
Salamat po sa inyong patuloy na
pagtitiwala.
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA
AFFAIRS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa jbilog@bandera.ph,  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...