NAISPATAN sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo habang nagdi-dinner sa isang sosyal na resto sa Greenbelt.
Kaagad na ipinost ang photo ng dalawa habang nakatalikod. Nakita silang nag-dinner nang silang dalawa lang noong Lunes.
Mukhang tama ang sinabi ni Matteo sa previous interview niya na kapag nagde-date sila ni Sarah ay silang dalawa lang ang magkasama. Sa photo kasing lumabas ay silang dalawa lang ang nasa table, wala ang perennial companion ni Sarah na si Mommy Divine.
Marami ang natuwa nang makitang magkasama ang dalawa on a date at walang chaperone.
“Sweet!” and “At least, she’s now having a somehow normal life… :)” ang dalawa sa aming nabasang comment sa isang popular website.
But there’s one na hindi nagustuhan na nakunan ng picture sina Matteo and Sarah during their private dinner. Parang nabastos daw ang dalawa.
“Why some doesn’t know the word PRIVACY? Not because they are celeb it doesnt mean they dont deserve some privary for themselves. Kaya nga yang ibang artista di mapigilan mag ‘attitude’ sa mga ubod na kulit na fans during their private moments,” say ng isang Sarah fan.