‘Ayoko pang magpakasal kay Phil, young pa kami!’
WALA pa talaga sa plano ni Angel Locsin ang magpakasal sa kanyang boyfriend na si Phil Younghusband.
Pareho pa raw silang “bata” ng football player kaya hindi pa pumapasok sa utak nila ang lumagay na sa tahimik.
Ayon kay Angel, naniniwala siya na mas maganda kung kilalanin pa nila ni Phil ang isa’t isa, at hindi naman daw minamadali ang pagpapakasal.
Aniya, kung talagang sila raw ang magkakatuluyan ni Phil hanggang sa ending, e, mangyayari’t mangyayari raw ‘yun.
Chika pa nga ni Angel, “Masyado pa kaming ‘young’ para pag-usapan ‘yan.
Pareho pa kaming bata. Ha-hahaha! Hindi, honestly, wala pa talaga.
Marami pa kaming priorities pareho, malayo pa sa utak namin ‘yun, sobrang layo pa.”
Naichika rin ni Angel sa isang interview na napanood na raw ng dalawang beses ni Phil ang kontrobersiyal na pelikula nila ni John Lloyd na “Unofficial Yours” ng Star Cinema.
At hindi na raw na-shock ang kanyang boyfriend sa mga maiinit na eksena nila ni Lloydie.
“Napanood na niya twice. Sabi ko nga sa kanya dati, hindi siya allowed e, pero nanood pa rin siya.
Sabi niya, mas better daw yung performance ng ‘Unofficially Yours’. Ha-hahaha! Sabi niya maganda daw.
Siyempre sumisipsip ‘yun!” natatawa pang kuwento ng aktres.
Naikuwento na pala ni Angel kay Phil ang mga ginawa nilang love scenes ni John Lloyd sa movie bago pa man niya ito mapanood, “Mas nagulat pa nga siya dun sa mga brinief ko para at least ‘di ba?
Sinasabi ko na sa kanya na story pa lang.
Mas ine-expect nga daw niya na mas grabe kaya mas tinodo ko na yung kwento ko.”
At para sa mga fans ni Angel, abangan n’yo ang susunod niyang pelikula kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Toni Gonzaga, “Pero meron pang isa na magugulat kayo kung sino ang kasama kong artista.
Nag-present na sila e so magsa-start na rin yun soon I think.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.