Horoscope, December 10, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ay hagkan at bigyan ng mainit na halik ang minamahal. Sa pinansyal, ngayong kapaskuhan makapal na bungkos ng  salapi na hindi inaasahan ang biglang mahuhulog sa langit. Mapalad ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Traya-Om.” Red at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga problemang pang-pinansyal na dumarating sa inyong pamilya – gumawa na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Sa pag-ibig, lalo pang mahalin ang kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Maroon at gold ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Bawasan ang pagkain ng junk food at laging mag-exercise upang muling sumeksi ang katawan at nang mapanatili ang kalusugan. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay; kahit maliit ang kinitakita, pilitin pa ring mag-ipon. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa buwang ito ng Disyembre ay may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Aries ang magpapapasin sa iyo – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kinikita. Mapalad ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Green at white ang buenas.

 Leo – (July 23 – August 22)—Mag-ingat, may mangungutang na naman! Kung hindi siya matanggihan ay ¼ lang ng inuutang ang ibigay upang hindi sumama ang loob mo kahit na hindi siya magbayad.  Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Aries ang kasama ay magiging okay ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayong kapaskuhan ay patawarin ang mga taong sa iyo ay nagkasala. Sa ganyang paraan ay biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa Paskong darating ay pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang serbisyo at produkto upang lalong lumakas ang kita. Sa pakikipagrelasyon, habang lumalamig ang panahon ay nami-miss ka na ng iyong kasuyo, makipagkita sa kanya sa dati  ninyong tagpuan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Segura-Om.” Blue at brown ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito ay tularan mo ang matsing – mautak! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin; gumamit  ng utak at rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mahah-Jaya-Om.” Blue at silver ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Laging magpasalamat sa Diyos  dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan ay matatag ka pa rin at kaya pang magpatuloy upang mapitas ang tagumpay at ligaya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48.  Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang  buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi awa ang dapat pairalin kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Minsan  ay mas magandang maging praktikal ka naman. Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang kasamahan ang magtsitsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Minsan sa halip na magkuwento ay mas magandang tumahimik ka na lang. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang ay kusang darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.”  Pink at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Wag dayain ang sarili! Kapag alam mo nang palugi ang investment ay tumigil ka na bago pa malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, tama ang ginagawa mong pag-iwas sa tukso. Sa pagiging tapat, mapapanatili ang masayang pamilya. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Vah-Weh-Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.

Read more...