Jaclyn sa bagong lalaki ni Andi: Ayoko sa kanya, oportunista siya!

JACLYN JOSE AT ANDI EIGENMANN

JACLYN JOSE AT ANDI EIGENMANN

Kahit anong mangyari, lagi lang daw nakasuporta si Jaclyn Jose sa anak niyang si Andi Eigenmann. Hindi rin naman daw kasi niya matitiis ang dalagang ina kahit na ayaw nitong pakinggan ang kanyang mga payo.

Nakausap ng ilang entertainment reporters si Jaclyn sa ginanap na Christmas party for the press ng PPL Entertainment sa pangunguna ni Perry Lansigan kasama ang kanyang mga talents, kabilang na nga ang mommy ni Andi.

Sey ni Jaclyn, hindi na raw siya nakikialam ngayon sa lovelife ng anak, malaki na raw ang aktres at may sarili nang isip, alam na rin daw nito kung ano ang tama at mali.

Diretso ring sinabi ng award-winning actress na hindi siya boto sa bagong lalaking nali-link kay Andi, ang dating PBB teen housemate na si Brent Jackson. Nang tanungin si Jaclyn kung bakit hindi niya gusto ang baguhang aktor para sa anak, walang kurap niyang sinabing, “Oportunista siya!”

Alam ni Jaclyn na may ginagawang pelikula ngayon sina Brent at Andi, wala naman daw  siyang magagawa rito dahil hindi rin siya nakikialam sa career ng anak. Nag-dialogue pa nga si Jaclyn ng, “I don’t know him! I don’t like him!”

Bukas naman si Jaclyn sa pagsasabing boto sana siya kay Jake Ejercito para kay Andi, magalang daw kasi ang binatang anak ni Mayor Erap Estrada, “He’s nice to me. Mabait siyang bata at marespeto.”

Samantala, naging usap-usapan naman sa social media ang bagong kadramahan ngayon nina Andi at Brent. Nag-post kasi ang tisoy na binata ng mensahe sa kanyang Instagram account, para ito kay Andi matapos ngang kumalat ang balita na may bago nang girlfriend si Jake Ejercito.

At kahit na binasted na nga ng anak ni Jaclyn si Brent ay buo pa rin daw ang suporta nito sa dalaga, “Don’t be sad cake smile ka na,” ang message nito kay Andi.

Na sinagot naman ng aktres ng, “I let go of someone who has been so [a]mazing to me, yet he still manages to try and make me smile even from a distance. Thank you @bretwaw.”

Samantala, balik tayo kay Jaclyn Jose, natanong din siya ng press kung meron ba siyang lovelife ngayon, ang kanyang tugon, “Wala nga, e.”

Pero aniya, kung may darating na lalaki na magmamahal uli sa kanya, bakit hindi. Feeling naman niya, bata pa siya at may asim pa para magkaroon uli ng lovelife.

Ano ba ang type niya sa isang lalaki? “Okay na kahit sino, basta lalaki!” nangingiting sey ni Jaclyn. Dugtong niya, “Tsaka siyempre dapat mamahalin din niya lahat ng mahal ko, lalo na ang mga anak ko.”

Napapanood ngayon si Jaclyn Jose sa afternoon series ng GMA na More Than Words, siya ang gumaganap na cool mom ni Janine Gutierrez. In fairness, laging trending sa social media ang mga eksena nina Jaclyn at Janine sa More Than Words, ha!

Read more...