‘Barn’ wedding nina Aiza-Liza Diño sa Amerika tahimik, sobrang romantic

LIZA DINO AT AIZA SEGUERRA

LIZA DINO AT AIZA SEGUERRA

STA. Cruz, California USA – Ikinasal na noong Lunes (Dis. 8) sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Stones & Flowers Retreat House dito.  Isang “barn wedding” ang naganap, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na mga kaibigan.

Tig-isang ninong at ninang lang ang witness sa kasal ng dalawa na sadyang nilimitahan kaya hindi rin kami nakadalo kahit na ipinagpaalam pa kami ni Sylvia Sanchez kina Aiza. Dumalo si Ibyang sa kasal dahil tumayong ninong ang asawa niyang si Art Arayde kasama ang dalawang anak na sina Ria at Arjo Atayde.

Halos lahat nang nakausap namin dito sa California ay alam ang pagpapakasal nina Aiza at Liza dahil nababasa raw nila sa social media, gusto rin daw sana nilang makita ang wedding, ‘yun nga lang hindi nila alam kung saan.

At para naman sa mga kaibigan nila sa Pilipinas, huwag na raw kayong magtampo dahil magkakaroon naman ng isang pagtitipon sa Manila pagbalik ng bagong kasal.

Congratulations Aiza at Liza!

Read more...