Joey De Leon sinermunan si Korina Sanchez

JOEY DE LEON AT KORINA SANCHEZ

JOEY DE LEON AT KORINA SANCHEZ

Nag-boomerang kay Joey de Leon ang patutsada niya kay Korina Sanchez.

When he tweeted, “Dun sa mga umaasa na lumihis ang bagyo at dumiretso na lang sa Japan eh WAG NAMAN. Pwede namang

HUMINA na lang katulad ng utak nung umasa!” merong mga naasar sa kanya.

“Sawsaw suka.”

“Pangit naman ng poetry ni joey. corny. kakaasar.”

“Galing ang comment sa taong walang delicadeza, gold rolex galing kay willie bestfriend na sila.”

“Wrong talaga si ateng koring sa sinabi nya. pero etong si joey makapagsalita kala mo sinong righteous. bastos ka rin kaya!”

Ilan lang ‘yan sa mga nabasa naming comments sa isang popular website. Meron naman kumampi kay Joey at ipinagtanggol din naman siya.

Ang nakakaloka lang, pati babae pinapatulan ni Joey. That leaves a bad taste in the mouth. And since Korina is from another network, may laman ang patutsada ng komedyante.

Ang akala naman ni Joey ay kung sino siyang malinis. Buti nga si Korina, marunong magbitaw ng salita pero ang iba diyan kapag nasasangkot na sa kontrobersiya ang dabarkads niya ay tameme lang.

Ewan kung bakit ipinagtatanggol pa ng ilan ang mga Hapon, eh, noong sinakop nila tayo ay sandamakmak na kasalanan ang ginawa nila sa ating mga kababaihan.

May pahabol pang patutsada si Joey sa kanyang tweet, “JAPAN now is not just ‘Just Always Pray At Night’. Dapat din daw ay ‘Just Always Pray And Newsread!’

Read more...