First movie ni Richard Yap ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” and he learned a lot from the cast members especially Vice Ganda na bida sa pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival.
“I learned a lot from doing teleseryes before kasi noong pumasok ako ay baguhan ako. Itong movie is another learning experience for me. Marami akong natutunan sa kanila. Ang galing nilang magbitaw ng linya.
“Kahit wala sa script, of the top of their hand they can come up with something funny kaya nape-pressure ako, eh. I’m just trying to learn from them on how to become a better comedian so that I can contribute to the movie,” chika ni Richard.
Hindi naman major adjustment ang ginawa ni Richard while doing the movie dahil, “May pagka-alaskador naman ako sa totoong buhay”.
“Pero dito ay masaya talaga kasi comedy. Sila lahat ay nagbabatuhan ng kanya-kanyang lines.” He enjoyed working with Vice Ganda, “Ang bait ni Vice sa akin. Ang tagal na naming magkaibigan.
It’s very nice working with him dahil matagal na rin kaming nagkakasama sa work, eh. Noong mag-show kami sa Europe magkasama kami, eh. We know each other quite well kaya okay naman.”