Ikalawang reception para sa kasalang Bianca-JC gaganapin daw sa Araneta

bianca gonzales
Simpleng-simple pala talaga ang naging kasal nina Bianca Gonzalez at JC Intal na ginanap sa El Nido Resorts sa Palawan noong Dec. 4.

Tanging ang pamilya at ilang malapit na kaibigan lang ang inimbita ng dalawa kaya napaka-intimate ng naging seremonyas. Ilan sa mga naging bisita sa wedding ay sina ABS-CBN TV production head Laurenti Dyogi at ang coach ni JC sa Ateneo Blue Eagles na si Norman Black.

Ang ate naman ni Bianca na si Aissa ang tumayong maid habang ang PBA player namang si Doug Kramer ang isa sa best man.
Bago matapos ang kasal, ipinangako ni JC kay Bianca na lagi lang siyang nasa tabi nito kahit na anong mangyari, “You know how much I love you, Bianca.

I may not be able to keep my other promises but I can keep the promise to do my best to help you to be the best person you could ever be.”  Sabi naman ni Bianca, “I knew you were the one for me when I felt your love.

You love me in a way I’ve always wanted to be loved. I know it’s tough to promise but I assure you, I will do my very best to take care of you.”

Magkakaroon ng ikalawang reception dito sa Manila ang bagong kasal para sa kanilang mga kaibigan at ito’y gaganapin sa Araneta Coliseum bukas.

May ganu’n? As in Big Dome talaga? Kaloka, ha!

Read more...